Kailangan nating aminin na hindi lahat sa atin matiyagang magbasa ng fine print, kabilang na dito ang fine print ng insurance. Dahil dito, kailangan nating subukang alamin ang mga sumusunod na termino upang higit nating maunawaan ang ating insurance policies.
Insurance Policy
Itago mo ang iyong insurance policy sa ligtas na lugar, hangga’t maari sa isang fire-proof na lalagyan upang maprotektahan ang orihinal mong kopya ng policy. Sa kasalukuyang digital na panahon, maaari mo ring kunan ng larawan ang iyong policy at i-save ito sa iyong kumpyuter o sa ligtas na espasyo sa cloud.
Maaari mo ring isulat ang detalye ng iyong insurance policy gaya ng insurance number, beneficiary, effective date at maturity date. Sapat nang magagamit ang mga impormasyong ito sakali’ng mawala ang iyong insurance policy.
Premium
Kapag nag-quote ng premium ang insurance company, isinasaalang alang nito ang iyong edad, kasarian, occupational hazard at sa ilang mga kaso, medical history. Mas exposed ka sa risk, mas mahal ang iyong insurance premium.
Kailangan mong maalala na may iba’t ibang paraan ng pagbabayad ng premium. Mayroong single-payment na premiums, limited-pay premium payments at premium na babayaran mo hangga’t nabubuhay ka.
Ibig sabihin ng single-payment premium insurance policy, isang beses mo lamang babayaran ang premium at bayad na ito nang buo. Mananatili ang epektibidad nito hanggang sa maturity ng insurance policy.
Sadyang mahal ang single premium payment na iskema dahil frontloaded ang cost ng insurance policy. Ang advantage nito ay nasa kawalan na ng pangambang makalaktaw ka pa ng premium payment gayong fully paid na ang insurance policy at na palagi itong in-effect.
Ang limited-pay premium ay binabayaran sa loob ng nakatalagang panahon, karaniwan lima hanggang 20 taon. Matapos ang panahon ng pagbabayad, ituturing na bayad na sa kabuuan nito ang insurance policy at mananatiling effective hanggang sa maturity ng policy.
Kunin nating halimbawa si Philip, 30 taong gulang na siya at nais niya ng insurance policy na sasaklaw hanggang sa mag-edad 80 siya. Pinili niya ang limited-pay na premium payment scheme at ang 20 taon na pagbabayad ng insurance policy.