Laking gulat ko nang bisitahin ko ang website ng Cooperative Development Authority (CDA) upang mag-research kung anu-ano ang iba’t-ibang uri ng kooperatiba sa Pilipinas; may 20 uri pala ng kooperatiba.
Ang CDA ay ang ahensiya ng gobyerno na nagre-regulate sa mga kooperatiba. Kung nais niyong bumuo at mag-register ng kooperatiba, sa ahensiyang ito kayo dapat pumunta.
Credit Cooperative
Ang credit cooperative ay nagbibigay ng savings and lending services sa kaniyang mga miyembro. Nagge-generate ito ng common pool of funds mula sa mga miyembro upang makapagbigay ng financial assistance at iba pang related financial services sa mga miyembro. Maaring gamitin ang mga ito sa provident and productive purposes.
Mistulang mga bangko ang mga credit cooperatives dahil sa mga financia products na ibinibigay nito. Ginagawa nila ang tinatawag na member savings and credit operations.
Consumer cooperative
Ang pagbili at at pamamahagi ng mga kailangang produkto o serbisyo (commodities) sa mga members and non-mebers ang primary purpose ng isang consumer cooperative. Karaniwang mga merchandise stores, supermarkets at agricultural supply stores ang nakikitang mga halimbawa ng consumer cooperative.
Producers cooperative
Nagsasagawa naman ng joint production ang mga producers cooperative at puwede itong agricultural o industrial production. Ito ay binubuo at pinapatakbo ng mga miyembro para sa produksyon at processing raw materials o kaya naman ay mga goods na gawa ng mga miyembro nito upang makagawa ng mga finished o processed products na maaring ibenta ng kooperatiba sa mga members at non-mebers nito.
Marketing cooperative
Nagbibigay o nagbebenta ng mga production inputs sa kaniyang mga miyembro ang isang marketing cooperative. Kasabay nito binebenta rin nito ang mga produkto ng mga miyembro sa mga members and non-members of the cooperative.
Service cooperative
Itinuturing na service cooperative ang isang kooperatiba kung nagbibigay ito ng serbisyo sa mga sumusunod na larangan: medical and dental care, hospitalization, transportation, insurance, housing, labor, electric light and power, communication, professional at iba pang mga serbisyo.
Advocacy cooperative
Itinataguyod naman ng advocacy cooperatives ang cooperativism sa mga miyembro nito at sa publiko sa pamamagitan ng mga socially-oriented projects, education and training, research and communication at iba pang kaparehong similar activities upang maabot ang mga target or intended beneficiaries.
Agrarian reform cooperative
Binubuo naman ng mga mahihirap na magsasaka na karamihan o majority sa kanila ay dapat napapabilang sa mga agrarian reform beneficiaries ang isa agrarian reform cooperative. Layunin nitong mag-develop ng maayos na sistema para sa land tenure o pagmamay-ari ng lupa; land development; land consolidation o land management sa mga lugar na sakop ng agrarian reform.
Cooperative bank
Binubuo naman ang isang cooperative bank kung ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng malawak at maraming financial services sa mga kooperatiba at mga miyembro nito.
Dairy cooperative
Ang isang dairy cooperative ay kung saan ang mga miyembro nito ay engaged or involved sa paggawa ng sariwang gatas na maaring i-proseso at i-market bilang dairy products o mga produktong gawa sa gatas.
Education cooperative
Binubuo ang isang education cooperative kung ang pangunahing layunin nito ay ang magmay-ari and mag-operate ng isang lisensiyadong educational institution alinsunod sa mga probisyon ng Republic Act 9155 na kilala din sa tawag na Governance and Basic Education Act of 2001.
Electric Cooperative
Kapag ang kooperatiba ay binuo upang ang maging pangunahing layunin nito ay pagsasagawa at pamamahala ng power generation, paggamit ng mga renewable energy sources kasama ang mga hybrid systems – electric cooperative ang tawag dito. Kasama din sa mga gawain ng electric cooperative ang pagmamaya-ari at pag-operate ng sub-transmission at pamamahagi ng kuryente sa mga household members.
Financial service cooperative
Ang financial service cooperative ay isang uri ng kooperatiba kung saan ang pangunahing layunin nito ay ang pagbibihay ng savings, credit at iba pang financial services.
Fishermen cooperative :
Binubuo ng mga mahihirap na mangingisda sa kanilang lugar ang isang fishermen cooperative. Ang mga produktong ibinebenta ng fishermen cooperative ay maaring sariwa o processed products.
Health services cooperative
Pangunahing layunin naman ng health services cooprative ang pagbibigay ng medical, detal at iba panng uri ng health services.
Housing cooperative
Binubuo ang isang housing coopertaive upang tumulong sa pagbibigay ng pabahay para sa mga regular members ng kooperatiba. May aktibong savings mobilization program para sa pabahay ang isang housing cooperative. Ang pabahay ay co-owned at kontrolado ng mga miyembro nito.
Insurance cooperative
Ang insurance cooperative may negosyong nagbibigay ng insurance products sa mga kooperatiba at mga miyembro nito tulad ng life, non-life at property insurance products.
Transport cooperative
Kasama ang land and sea transportation pero limitado sa mga maliliit na sasakyan o small vessels ang bumubuo sa isang transport cooperative. Alinsunod dapata ng mga ito sa Phillippine maritime laws na nakalagay sa Republic Act 9520.
Water service cooperative
Nagmamay-ari, nago-opeate at nagma-manage ng water systems ang isang water service cooperative. Layunin nitong magbigay at mamahagi ng tubig na maaring inumin (potable water) para sa mga miyembro nito at para na rin sa mga sambahayan nila.
Workers cooperative
Binubuo ng mga manggagawa, kasama na ang mga self-employed, ang isang workers coopertaive. Sila din ang miyembro at the same time ay kamay-ari din ng negosyo ng kooperatiba. Ang pangunahing ng workers cooperative ay magbigay ng trabaho at business opportunities sa mga miyembro nito at i-manage ito alinsunod sa mga cooperative principles.
Multipurpose cooperative
Kung ginagawa ng isang kooperatiba ang dalawa o higit pa sa mga business activities na nakapaloob sa uri ng kooperatiba sa itaas, multipurpose cooperative ang tawag sa ito.