was successfully added to your cart.

Cart

Guidelines para malaman kung ang networking business ay maganda

By September 3, 2017 Business, Investments

Ang legal na networking business ay tinatawag na multi level marketing. Ang multi level marketing ay isang klase ng direct selling marketing strategy kung saan ine-enganya ng isang kumpanya ang kaniyang mga kasalukuyang distributors na mag-recruit ng bagong distributors.

Kikita ng commission ang mga kasalaukuyang distributors sa mga maibebenta ng mga na-recruit nilang bagong distributors. Karaniwang tinatawag na “downline” ang mga bagong distributors na-recruit.

Maraming mga MLM companies ang nasasangkot sa mga scam dahil sa recruitment feature nito. Inaabuso nila ang recruitment at ang networking business ay nagiging pyramiding scam.

Narito ang aking mga batayan kung maganda ba ang networking business o multilevel marketing na papasukin o tatangkilikin.

Magandang kaledad ng produkto

Ang sentro ng MLM ay ang produkto. Kung ang kaledad ng produkto ay kaduda-duda, hindi magandang pasukin ang MLM na ito.

Maiging suriin muna ang mga reviews ng produkto at maraming makikita nito online. Siguraduhin lang na ang mga reviews ay  galing sa third party independent review at hindi sa kumpaniya o mga promoters nito mismo.

Kung ang produkto ay labis na nangangako (ex. magiging sing-puti ka ni Kris Aquino sa loob ng isang linggo) o ang mga pangako nito ay hindi naman makatotohonan (ex. Mag-invest ng PhP7,600 at kikita ka ng PhP5,000 araw-araw) –umiwas sa mga ito.

Pagbebenta ang focus hindi recruitment

Selling pa din dapat ang focus ng MLM at hindi recruitment. Ibig sabihin nito, ginugugol ang oras sa pagbebenta ng produkto at hindi sa pagde-develop ng downlines.

Kung ang focus ng MLM na balak mong pasukin ay mas nagbibigay halaga sa recruitment kaysa sa pagbebenta ng produkto mismo, ibig sabihin hindi ang produkto ang pinanggagalingan ng kita. Galing ang kita sa recruitment.

Hindi ito magandang senyales. Ang mga maari mong maging basehan sa pagkilatis nito ay ang mga sumusunod:

  • Mas mahaba ang ginugugol na oras sa training sa pagpapaliwanag ng recruitment tactics at commissions kaysa sa product features
  • Ang mga impormasyong makikita sa kanilang mga marketing materials katulad ng website, flyers at brochures ay naka-focus sa kikitain na pera kaysa sa benefits at features ng produkto
  • Kapag nakarinig ka ng sales pitch ng isang agent o distributor ay naka-focus ito sa kikitain mo kaysa sa benefits at features ng produkto
  • Kung ang kita ay nanggagaling sa memebrship fee at sa “required” inventory ng produktong kailangang bilhin upang maging miyembro
  • Malalim at kumplikado ang downline structure

Hindi nalalayo ang presyo sa competing products

Aminado akong ito ang pinaka-challenging part ng MLM sa akin. Karamihan kasi ng mga alam kong MLM products ay napakamahal kumpara sa mga produktong katumbas nito sa supermarket.

Halimbawa, toothpaste na nagkakahalagang PhP2,000 o kaya sabon na PhP500 isang piraso. Napakamahal ng mga ito at hindi siya tamang spending habit para sa mga karaniwang mamamayan.

Hindi ko maatim bentahan ang mga kapamilya, kaibigan at kakilala ko ng mga ito kahit pa sabihing may legitimate benefits ito. Lalo na sa mga basic commodities tulad ng tubig, pagkain at mga pang-araw-araw na gamit sa bahay, hindi dapat ito mahal.

Sa aking opinyon, marginal ang increase in quality ng mga produktong ito kumpara sa mga produktong available sa palengke o supermarkets sa di hamak na mas murang halaga.

Ang aking analogy diyan ay kailangan kong pumunta sa kabilang bayan. Ang option ko ay mag-jeep (common product) o kaya ay sumakay ng Ferrari (MLM product). Pareho naman kaming makakarating sa aming parooroonan.

Sa Ferarri, hindi ako maalikabukan at malamang mas mabilis akong makakarating pero hindi ko pipiliin ito dahil ang presyo ay makapagpapahirap.

Don’t sell affordable products as expensive

Sa huli, hindi kinakailangang gawing mahal ang mga produktong dapat ay abot-kaya. Bilhin lang kung ano ang kinakailangan para mabuhay.

vincerapisura.com


One Comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: