Isa sa mga simbolo ng pagangat sa buhay ang pagkakaroon ng sasakyan. Kaya naman kasama ang pagkakaroon ng sasakyan sa ating mga financial goals.
Madalas tinatanong sa akin kung paano kumuha ng car loan nang tama. Narito ang aking gabay.
Gamit sa negosyo
Kung gamit sa negosyo ang sasakyang bibilhin, kinakailangang siguraduhing kayang bayaran galing sa kita ng negosyo ang pambayad sa sasakyan. Isa-alang alang kung gaano katagal mapapakinabangan ng negosyo ang sasakyan at kinakailangang hindi ito higit pa sa bilang ngtaong babayaran ang car loan.
Personal na gamit
Kung gagamitin nang personal ang sasakyan katulad ng pagpunta sa trabaho o kaya naman ay hatid sundo sa mga anak, kinakailangang ang amorization o installment payment ng car loan ay mas mababa kumpara kung mamasahe na lamang.
Kung mas mataas ang amortization, kinakailangang ang passive income ang gamit na pambayad dito. Ang passive income ay ang income na kinikita kahit hindi nagta-trabaho tulad ng rent, interest, dividend, capital gains, royalty o kaya naman ay pension.
Mas maigi kung mababayaran ang car loan ng hindi hihigit sa tatlong taon.
Gumamit ng passive income
Ang tunay na gamit ng sasakyan ay para maihatid tayo sa isang lugar. Kapag ito ay isang luho o kaya ay ginagamit para magpasikat, maituturing itong “wants”. Hindi naman masama ang maghangad ng wants, kinakailangan lang na tama ang pinanggagalingan ng panggastos dito – passive income.
Kaya magipon at mag-invest nang maaga upang magkaroon ng passive income pambayad sa car loan.