Hindi uso sa atin ang pagkakaroon ng pre-nuptial agreement. Ang pre-nuptial agreement ay ang nagsasabi kung paano hahatiin ang pera o ari-arian ng mag-asawa sa kanilang kasal at kung sakaling sila ay maghiwalay.
Kaya naman napakahalagang paghandaan ang kasal lalung-lalo na kung pinaguusapan na ang pera at mga ari-arian. Para magkaroon ng maligaya at mapayapang pagsasama sa kasal, kinakailangang may maayos na personal finance practice ang magkasintahan.
No bad debt
Hindi magandang simulain ng relasyon ang utang. Kaya para sa akin, ang unang dapat titingnan kung baon sa utang ang kasintahan. Lalo akong may duda kung ang pagkakabaon sa utang ay dahil sa bad debt o mga utang na hindi naman kumikita.
Needs and wants
Isang magandang senyales din ng maayos na relasyon kung ang bawat isa ay nagkakaintindihan sa mga pangangailangan (needs) at gusto (wants).
Hindi naman kinakailangang pareho ang magsing-irog ng needs and wants. Ang mahalaga tanggap at intindi nila ang kani-kaniyang needs and wants.
Emergency savings
Ang taong marunong magipon ay nagiisip ng pang-long term. Kaya isa sa aking batayan ang emergency savings kung seryoso ang kasintahan sa pagiisang dibdib o pagbuo ng pamilya.
Ang emergency savings ay dapat sasapat sa siyam na buwang gastusin o kaya naman ay anim na buwan ng kita.
Adequate Insurance
Kapag walang dependents, hindi naman kinakailangan ang life insurance dahil wala naman dapat panagutan sakaling mamatay. Mas mahalaga na may health insurance upang hindi maging pasanin sa mga magulang.
Ang kasintahan na nagiisp na hindi maging pasanin sa mga magulang ay responsible at marnong mag-plano nang pangmatagalan o long term.
Source of Income
Mahalaga ding may pinagkakakitaan ang kasintahan dahil kinakailangang ito upang mabuhay lalung-lalo na kung planong magkaanak. Mas maganda kung marami o multiple ang sources of income ang papakasalan at bonus pa kung madami dito ay passive income.
Kung may source of income ang kasintahan, madaling makakabukod at makakapsarili ang pamilya.
Love each other everyday
Higit sa lahat, mahal ka ng kasintahan mo at mahal mo rin siya. Walang pilitan. Kapag nasunod ang aking mga pera guidelines, you will live happily ever after.