was successfully added to your cart.

Cart

Financial lessons we can learn sa awayang Kris at Nikko

Mainit na usap-usapan ngayon ang pagsasampa ng kaso sa isa’t-isa ng dating magkaibigan at mag-business partner na si Kris Aquino at project manager nitong si Nikko Falcis. Ang blog na ito ay hindi tungkol sa tsismis sa kanilang falling apart kundi kung anu-ano ang matutunan natin sa kanila financially.

Health is wealth

Una, at pinakamahalaga sa lahat ay ang pangangalaga sa kalusugan. Ibinunyag ni Kris na siya ay may autoimmune disease at kasalukuyan niya itong nilalabanan.

Ang kalusugan ay ang kayamanang ipinagkaloob sa atin ng Diyos na kadalasan nating dinedeadma. Aanhin ang kayamanan kung wala naman tayong lakas para i-enjoy ito kasama ng ating mga mahal sa buhay, di ba?

I’m sure kung tayo man ang nasa kalagayan ni Kris ay gagawin natin ang lahat ng makakaya para gumaling mula sa pagkakasakit.

Maaring hindi natin kayang iwasan lahat ang mga sakit ngunit may magagawa tayo para i-prevent o i-delay ang mga ito tulad ng pageehersisyo, pagkain ng masustansiyang pagkain, tamang tulog at pagbabawas sa stress sa buhay.

Kung tamaan tayo ng pagkakasakit, mainam na may health insurance pang-cover para dito. Alalahanin na ang pagkakasakit ng miyembro sa pamilya ang isa sa mga pangunahing dahilan ng kahirapan.

Lahat tayo mamamtay

Sa isang interview ni Kris, sinabi niyang the inevitable will happen and she wants to watch her boys grow. Tila bang may badya ng pagpapaalam ang sinabi niyang ito at malinaw ang realization niyang darating ang panahon sa ating lahat ang pagpanaw.

Mapalad si Kris dahil biniyayaan siya ng Diyos ng career na pinapangarap (and to some extent kinaiinggitan) ng marami. Pero marami sa karaniwang Filipino ay walang kayamanang  maiiwan sa mga minamahal sa buhay lalung-lalo na sa mga dependents.

We only have limited time in this world and we will never know when our time is up. Kaya to protect your loved ones, buy life insurance.

(Read: Guide to life insurance)

Iwasang haluan ng emosyon ang usapin sa pera

Isa sa mga inaming pagkakamali ni Nikko ay ang di-umanong pagpayag niyang tratuhin si Kris bilang bahagi ng kaniyang pamilya.

Mukha namang ganun din ang trato ni Kris kay Nikko kung babalikan ang mga dating pagpupugay ng aktres sa kaniya sa social media. Minsan ngang tinawag pa ni Kris si Nikko bilang kaniyang “north star.”

Kapag nagiging malapit ba kaibigan o itinuturing na na kapamilya ang business partners, tumataas ang panganib na mahaluan ng emosyon ang pagdedesisyon kaya maaring hindi maging logical at hindi pabor sa negosyo ang gagawin.

Hangga’t maari, lagyan ng boundaries ang pagkakaibigan at pagiging magkamag-anak kung papasok sa business kasama sila.

(Read: Mga emosyong sagabal sa financial success)

Choose business partners carefully

Hindi ko naman sinasabing huwag na tayong magtayo ng business kasama ang ating mga kamag-anak at mga kaibigan. Madali silang piliin dahil may tiwala na tayo sa kanila kumpara sa mga hindi natin kakilala.

Pero hindi sapat ang tiwala sa pagpapatakbo sa negosyo. Umaaligid ang tukso lalo na kung pera na ang pinag-uusapan.

Kaya dapat pangalagaan ang tiwalang yan at maglagay ng checks and balances para maiwasan ang tukso at mapanatili tiwala sa bawat isa.

(Read: Paano pumili ng kasosyo sa negosyo)

Mas mahalagang proteksyunan ang relationship dahil mga buhay ang nakasalalay dito. Ang pera, kung mawala, maaring kitain ulit.

Inner peace

It must be the hopeful in me kasi I am rooting for Kris and Nikko to patch their differences. Sayang kasi ang nasimulan na nila at maari pa nilang maabot together.

Kung malalampasan nila ito bilang magkaibigan at business partners, both will emerge stronger and victorious.

I sincerely wish them both inner peace.

 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: