was successfully added to your cart.

Cart

Financial growth stage

By November 18, 2017 Financial Plan

Ang layunin mo ay umangat mula sa financial start-up at financial independence stages patungo sa growth at stabilization phases sa lalong madaling panahon.  Sa kaso ko, nakausad ako sa financial growth stage sa loob ng 4-5 taon mula nang magsimula akong magtrabaho.

Inabot ako ng 5 taon bago ako nakausad sa financial stabilization stage at limang taon uli bago ko narating ang financial freedom stage.  Sa isang karaniwang tao, aabutin ng 20 taon para sa bawat stage bago umabot sa financial freedom stage – 40 taon sa kabuuan!  Ngunit karamihan ay hindi makakaalis sa ganitong stage hanggang sa kamatayan.

Bakit umaabot ng 40 taon ang isang ordinaryong tao sa financial growth at financial stabilization stages? May ilang mga dahilan kung bakit. Narito ang ilan sa kanila.

Pinakaunang dahilan ay hindi tayo maalam sa investments. Marami sa atin ang hindi pinapansin ang proseso para matutunan ang kaalaman at kakayanan sa investing.

Naniniwala silang  mahirap unawain ang personal financial management kaya’t mabilis silang susuko. Laging isaisip na hindi sasapat ang pinansya sa retirement kung aasa lang sa government pensions. Sa katunayan, karamihan ay hindi talaga nagkakaroon ng financially rewarding retirement dahil sa pagdadalawang-isip na matutong mag-invest.

Ikalawang dahilan ay ang huli na ang pagpaplano para sa retirement.  May dahilan kung bakit mahalaga ang panuntunan sa buhay na “Time is Gold.” Ikatlong dahilan ay ang pagtaas ng lifestyle ay higit na mabilis kaysa sa pagtaas ng income.

Ang huling dahilan ay ang hindi pagsunod sa family planning, maging natural man o artificial. Kailangang maging aware ang mga magulang sa implikasyong pinansyal kapag nagkaroon sila ng dagdag na anak.  Sa ginawa naming pag-aaral noong 2014, kakailanganin ng 2 milyong piso para mapalaki nang marangal ang isang anak hanggang 21 taong gulang.

Kapag sinabing marangal, iyong nakapag-aral siya sa pampublikong paaralan, nabigyan ng simpleng mga damit, at pagkain na nakaayon na rin sa inflation rate kapag sinuma. Lalaki pa ito ng 14 na milyon bawat anak kung pipiliin ng magulang na pag-aralin siya sa pribadong paaralan.

Lagi kong ginagamit ang ganitong ilustrasyon sa mga high school at college students kapag naiimbitahan akong magsalita sa kanilang mga komperensya. Marami sa kanila ang nagugulat sa computation na ibinibigay ko.

Kaya’t kaugnay ng family planning, pinaaalala ko sa kanila ang 4 na pisong condom kapag nakikipagtalik sila para maiwasan ang pagbubuntis o ang 2 milyon bawat anak dahil sa hindi sila gumamit ng proteksyon.

Sa financial growth stage, layuning mong ang iyong active income ang sasagot sa 50% ng iyong mga gastusin. Ang passive income mo naman ang kailangang sasagot sa natitira pang kabuuan.

Tulad ng nabanggit ko kanina, ang financial growth stage ang pinakaproduktibong  stage sa financial life stages.  Sa puntong ito, may sapat ka nang kaalaman at karanasan na kakailanganin mo para makagawa ng mas mataas na kita.

Importanteng istratehiya sa pagpapalakad ng financial stage na ito ay ang temptasyon na itaas rin ang lifestyle mo para sumabay sa taas ng iyong kinikita. Pinakamainam ay panatilihin ang simpleng lifestyle habang tumataas ang iyong kita.

Kapag nagawa mo ito, mas marami kang pera na maaari mong iinvest. Maaari mo pang gamitin para makakuha o maitaas rin ang iyong loan (bigay-diin sa good loan) upang magkaroon ka pa ng kakayanan na makabili ng mga bagay na makadaragdag sa iyong mga pag-aari o assets.

Inaamin ko na higit na mabilis ang financial growth stage kapag single ka kaysa sa may pamilya dahil ikaw lang ang responsable sa iyong sarili.  Kapag may asawa ka, responsable ka sa inyong mga anak.

Kaya ka nga may partner dahil tulong kayo sa mga responsibilidad. Katuwang mo siya para magampanan ito. Palagay ko, kailangan mong kumawala sa isang relasyon kung walang kontribusyon ang iyong asawa sa inyong mga responsibilidad.  Mapapagod ka lang paglipas ng panahon.

Itinaguyod ko ang mga social enterprise noong nasa financial growth stage ako. Ginamit ko ang mga natutunan ko sa mga nakaraan kong trabaho para dito.

Naging madali sa akin ang pagtataguyod ng social enterprise dahil may kakayanan na ako at network mula nga sa mga nakaraan kong trabaho.  Ang mahirap lang ay wala akong ibang aasahan kundi ang aking sarili at ako rin ang tatanggap lahat ng mga nag-aabang na panganib o risk.

Ang mga social enterprise ang siyang nagpabilis sa akin sa financial stabilization stage at sa aking maagang retirement.

Ang unang social enterprise na naitatag ko ay ang Social Enterprise Development Partnerships, Inc. (SEDPI) noong 2004 na lumago at nakilala sa Pilipinas bilang pangunahing institusyon na nagbibigay ng training, research at consulting services sa larangan ng microfinance, social entrepreneurship at financial literacy.

Sa financial growth stage, ako ang karaniwang nagtatrabaho sa SEDPI.  Nang lumalago na ito, naisip kong kailangan ko nang kumuha ng mga tao at bumuo ng mga sistema at procedures para mas maraming trabaho ang magawa. Dinoble ko pa ang pagsisikap sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga standardized business systems at procedures.

Tinumbasan ko ang oras at talento ng mga tao kapalit ng kanilang mabuting trabaho sa SEDPI.

Ang ikalawang social enterprise ay ang SEDPI Development Finance, Inc. (SDFI). Isa itong financing company na nagpapatakbo ng mga socially responsible investments mula sa mga social investors na ini-invest sa microfinance institutions at social enterprises.

Nakakalikom ang SEDPI ng higit 7 milyon bawat taon habang ang SDFI ay may assets na lumaki ng 250 milyon sa loob ng 10 taon.  Ang mga itinayo kong social enterprise ang nagbibigay ng sapat na passive income na magiging dahilan para makapag-retire ako ng mas maaga kaysa sa aking ibang kaibigan.

vincerapisura.com


One Comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: