Kapag naabot mo na ang huling antas ng financial life stage, huwag kalilimutang magpasalamat. Alalahaning hindi lahat sa atin ay nakatutuntong dito. Mag-isip kung paano ka makakatulong sa lipunan.
Hindi naman ibig sabihing hindi ka makakatulong sa lipunan nang nasa maaga ka pang antas ng financial life stage. Bagama’t kung nasa financial freedom stage ka na ay mas marami ka pang maibibigay.
Kahit pa nasa retirement phase ka na, kailangan pa rin nang pag-iingat at bantayan ang iyong investment portfolio para tunay ka nitong mapaglingkuran hanggang sa mga huling araw ng iyong buhay.
Narito ang ilang palatandaan kung naabot mo na nga ba ang iyong financial freedom stage:
- Nauunawaan mo ba na ang retirement ay walang kaugnayan sa iyong edad?
- May sapat ka na bang assets na kumikita bilang passive income para sustentuhan ang iyong lifestyle hanggang sa mga huling sandali ng iyong buhay?
- Mapananatili mo ba ang iyong lifestyle hanggang sa iyong kamatayan nang walang hihinging tulong sa iyong mga anak o kamag-anak?
- Sasapat ba ang iyong insurance?
- May kakayanan ka bang pumili ng kung ano ang inaakala mong mahalaga para sa ‘yo?
Kung ang sagot mo sa lahat ng tanong ay oo, congratulations! Matagumpay ka sa iyong pinansya para sa iyong retirement.
It is an open eye to everyone OFW, who are a single mother who is still supporting the family monthly. I this is the final stage to think myself for FUTURE.
Hindi lahat ay oo sir vince!marami pa dapat pagtuunan!