“I’m Benjamin B. Barcelona, Jr. Twelve years old na po akong nagtuturo dito sa Carlos Botong B. Francisco Memorial National High School.”
“Ano yung sikreto ng pagiging financially free?”
“Magkakaroon ka lang po ng simpleng pamumuhay then simpleng goals mo. Magkaroon ka ng goal setting, objective at magkaroon ka ng limit sa lahat ng bagay.”
“Ano ba yung ibig sabihin ng simpleng pamumuhay?”
“Magkaroon na ng business at malimitahan yung mga expenses na kung saan magiging malaya ako sa lahat ng bagay na financial na pwedeng hindi ako mahirapan pagdating ng panahon. Dati po kasi, kuntento na ako sa sweldo bilang guro. Later on, the more na tumatagal, dumadami ang aking expense then nagtrial and error ako sa isang business.”
“Okay. Anong business yun?”
“Dati, nagsimula ako sa isang kwarto renting. Tapos, dinivide ko po yung aking house… ginawa ko siyang tatlo… later on naging apat… naging lima…”
“Okay. Paano ka nagkaroon ng bahay muna?”
“May naipon ako. Galing din sa aking tutorial. Tapos, sa aking pagtuturo. Nakapag-invest po uli ako ng panibagong property sa Mahabang Parang… nagsimula po ako sa dalawa. Sa ngayon po, anim (6) na rin po siya.”
“Okay. So, 2009 ka nagsimula na magparenta?”
“Okay. So… pero 2001 to 2009, doon mo binuno yung inipon mo at saka pang down?”
“Oo, pang-down.”
“Maari mo bang banggitin sa akin ngayon, anu-ano pa yung mga pinagkakakitaan mo?”
“Kasi, aside from salary, number one; number two, renting; number three, nagsimula ako sa sari-sari store… ngayon, medyo lumalakas na siya. Pang-apat, meron akong seasonal na business. Yung seasonal na business na tinatawag ko, katulad nung meron akong mga outfit na kung saan ginagamit ito kapag merong special occasion… like JS, debut, kung anu-ano pang mga pwedeng paggamitan nung aking mga damit… mga gowns.”
“Oo. So, nakakatuwa ano kasi ang ginawa mo, yung mga ginawa mong business ay nakapalibot pa rin siya sa profession mo. Kung meron kang maipapayo sa mga katulad mong guro, ano yung maipapayo mo sa kanila para sila ay ma-attain din nila yung financial freedom na meron ka?”
“Ang maipapayo ko lang sa kanila, matuto silang gumastos nang tama lang at angkop sa kanilang kinikita. Then, manage their time and money wisely.”