Ang external analysis ay bahagi ng strategic planning process upang makatulong sa pagpapatayo o pagpapalago ng negosyo. Tinitingnan nito ang mga external factors sa isang negosyo na nakaapekto sa market o customers.
May limang elemento ang external analysis para sa pagusisa ng business: political, economic, social, technology at competition.
Kompetisyon
Ang external analysis sa kompetisyon ay ang pagsusuri sa galaw at kalakaran ng mga existing na negosyo na maaring makaapekto sa negosyo. Kung sa palagay mo ay mas makapagbibigay ka ng mas magandang kaledad, delivery o presyo kaysa sa mga existing businesses, maaari kang makapagtayo ng negosyo dahil dito.
Alalahanin na hindi kayang ibigay ng isang negosyo lang ang lahat ng pangangailangan ng tao. Dahil magkakaiba ang pangangailangan at kagustuhan ng bawat tao. Kaya parating may oportunidad na makagawa ng negosyo kung aaralin nang mabuti ang kompetisyon.
Ang mahalaga ay marunong tuminging ng gaps sa market na hindi natutugunan ng existing competition at dito magsimula ng business idea.
Ito ang mga maaring tingnan sa external analysis sa competition:
- Mga hindi natutugunan na pangangailangan ng mga tao
- Differentiation ng produkto o serbisyo
- Pagsusuri sa market segments at target markets
- Mga kaakibat na produkto o serbisyo bilang suporta sa mga existing na produkto o serbisyo
- Suppliers ng inputs
- Retailers
- Barriers to entry
Kakayahan ng customer na magbayad
Wow!another great knowledge..thanks po!