Ang external analysis ay bahagi ng strategic planning process upang makatulong sa pagpapatayo o pagpapalago ng negosyo. Tinitingnan nito ang mga external factors sa isang negosyo na nakaapekto sa market o customers.
May limang elemento ang external analysis para sa pagusisa ng business: political, economic, social, technological at competition.
Economic
Ang external analysis sa economic environment ay tumitingin sa sigla ng ekonomiyang sumuporta ng mga negosyo. Hindi lamang nito tinitingnan ang local na ekonomiya, tumutingin din ito sa mga pangyayari sa iba’t ibang panig ng mundo.
Halimbawa, sa nakalipas na limang taon, kinilala ang Pilipinas bilang isang ekonomiyang may investment-grade. Ang ibig sabihin nito ay safe ang bansa para sa mga investors kaya malaki ang tsansang sumigla pa ang ekonomiya.
Dahil dito, makikitang maraming sumusulpot na mga bagong negosyo hindi lamang sa siyudad kundi maski sa kanayunan. Dumarami rin ang mga international investors na nagkaka-interes pumasok sa bansa.
Nitong nakaraang buwan lamang, may mga kaibigan akong Koreano na nais magtayo ng restaurant sa Maynila at isa naman ay sa Luzembourg na gustong makipag-partner para makapagbigay ng financing service sa bansa.
Ito ang mga maaring tingnan sa external analysis sa economic environment:
- Sigla ng ekonomiya ng bansa at ang trend nito
- Sigla ng ekonomiya ng mundo at ang trend nito
- Mga pagbabago sa buwis
- Mga nakaka-apekto sa market and trade cycles tulad ng panahon ng pagaani sa agrikultura, pasukan sa eskuwela, mga holidays at iba pa
- Mga bagay na nakaka-apekto sa mga industriya – sa manufacturing, services at iba pa
- Mga pagbabago sa needs and wants ng mga customers
- Interest rate sa bangko at ang palitan ng piso
- Pandaigdigang kalakal o international trade