was successfully added to your cart.

Cart

External analysis as source of business opportunities

By September 14, 2017 Business

Ang external analysis ay bahagi ng strategic planning process upang makatulong sa pagpapatayo o pagpapalago ng negosyo. Tinitingnan nito ang mga external factors sa isang negosyo na nakaapekto sa market o customers.

May limang elemento ang external analysis para sa pagusisa ng business: political, economic, social, technological at competition.

Political

 Tumitingin sa pagbabago sa batas, administrasyon at kapayapaan ng isang lugar ang analysis sa political environment. Ang mga pagbabagong ito ay maaring pagmulan ng mga business opportunities.

Economic

Ang external analysis sa economic environment ay tumitingin sa sigla ng ekonomiyang sumuporta ng mga negosyo. Hindi lamang nito tinitingnan ang local na ekonomiya, tumutingin din ito sa mga pangyayari sa iba’t ibang panig ng mundo.

Social

Sumusuri sa mga problema, pagbabago at kalakaran sa lipunan na maaring maka-apekto sa negosyo ang external analysis sa social environment. Tinitingnan din nito ang paraan ng pamumuhay ng mga tao sa isang lugar at kung paano aangkop ang produkto at serbisyo ng negosyo sa mga pangangailangan ng mga tao doon.

Technology

Mahalagang suriin ang pagbabago sa teknolohiya na maaring makaapekto sa negosyo. Sa panahon natin ngayon, napakabilis ng mga pagbabago sa teknolohiya kaya’t maraming umuusbong at nagsasarang mga negosyo dahil dito.

Kompetisyon

Ang external analysis sa kompetisyon ay ang pagsusuri sa galaw at kalakaran ng mga existing na negosyo na maaring makaapekto sa negosyo. Kung sa palagay mo ay mas makapagbibigay ka ng mas magandang kaledad, delivery o presyo kaysa sa mga existing businesses, maaari kang makapagtayo ng negosyo dahil dito.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: