Aminin man natin o hindi, ang mga “wants” ang nagpapasarap sa buhay. Kapag tayo ay nagbabakasyon, lumalabas para kumain at bumubili ng mga gamit para sa ating mga minamahal sa buhay, nasisiyahan tayo.
Hindi masama ang wants. Lalung-lalo na kung ito ay natutustusan natin nang tama.
Savings
Lagi kong binabalikan ang paborito kong definition ng savings – savings is the postponement of the pleasure of spending. Gusto ko ito dahil inaaming may “pleasure” o kasiyahan sa paggastos.
At kapag ipinagpaliban mo daw ang kasiyahan sa paggastos, nagse-save ka na. Samakatuwid, hindi nito minamasama ang paggasta bagkus ay ginagawa niya itong inspiration at motivation para makapag-save.
Kaya ang mainam na dapat gawin ay gawin mong inspiration at motivation ang iyong wants para mag-save at mag-invest.
Spend passive income on wants
Ang aking sikreto ay ganito. Inaalam ko kung ano ang gusto kong “wants” na tustusan tapos gagawa ako ng investment portfolio na nagbibigay ng passive income para tustusan ang wants na ito.
Halibawa, ang wants na gustong tustusan ay ang pagbabakasyon sa ibang bansa sa halagang PhP150,000 kada taon. Ang ginawa ko, nagipon ako ng pampatayo ng rental property at sa rental property na iyo ko kinukuha ang aking pambakasyon.
Sa aking karansan magaan sa bulsa ang paggasta kung galing ito sa passive income. Mas mahirap itong bitawan kapag pinaghirapan o galing sa active income.
Kaya ang aking gawi ay mina-maximize ang aking active income sa pamamagitan ng pag-invest muna nito para magkaroon ako ng passive income. Mahalaga din ang pagkilala at pagtanggap sa sarili upang ma-manage nang husto ang wants.
Hi sir vince paano po ba mgipon ng pera ng di nagagalaw? Housewife po kc ako may online business bago palang kaso medyo mahirap mgbenta?
Good day sir Vince isa na naman tip, kung paano makapagbakasyon na galing lang sa kita ng pasive income, thanks for sharing, ingat kayo lagi.