was successfully added to your cart.

Cart

Dapat ka bang mag-invest sa Bitcoin?

By December 16, 2017 Investments

Kung ikaw ay nag-invest sa Bitcoin nitong January 2017, kumita ka na ng mahigit 2,000% ngayon. Ibig sabihin, lumaki ang kapital mo ng mahigit 20 beses.

Noong simula ng taon kasi ang isang Bitcoin ay nagkakahalaga lang ng USD700. Ngayon, USD17,000 na ang halaga ng isa nito.

Dahil sa napakataas na kita ng Bitcoin, mahirap itong hindi pansinin. Nakaka-curious.

Bakit lumaki ang halaga nito nang ganito kabilis?

Cryptocurrency

Ang Bitcoin ay isang uri ng digital currency o kaya ay tinatawag din na cryptocurrency. Ang limang pinakamalaking cryptocurrencies base sa halaga nito ay ang mga sumusunod: Bitcoin, Ethereum, Bitcoin Cash, Ripple at Litecoin.

Dapat bang itaya mo ang pinagpaguran mong pera sa cryptocurrency?

Patuloy bang tataas ang halaga nito?

Safe ba mag-invest sa bitcoin?

Traditional currency

Noong 2008 financial crisis, nakita nating lahat ang imperpektong sistema ng banking. Ang mga central banks ng bawat bansa sa mundo ang siyang namamahala o nagre-regulate sa halaga ng kani-kanilang currencies.

Ang US Fed ang siyang namamahala sa US Dollar (USD). Ang Bangko Sentral ng Pilipinas naman ang namamahala sa Philippine Peso (PHP). And so on…

May ginagamit ang mga central banks para pataasin o pababain ang halaga ng kanilang currency. Alam nating hindi perpekto ang sistemang ito, pero at least, alam nating may mananagot kung inaabuso ito.

Cryptocurrencies are decentralized

Ang mga cryptocurrencies katulad ng Bitcoin ay decentralized. Ang palitan, bentahan at bilihan nito ay nagaganap sa peer to peer network.

Sa katunayan, sinasabing mas groundbreaking at innovative ang sistema ng peer to peer trading na ito, kaysa sa mga cryptocurrencies mismo, dahil sa hindi ito profit-driven. Ang teknolohiyang ito ay tinatawag na blockchain.

Lahat ng transaksyon ng mga cryptocurrencies, tulad ng Bitcoin, ay napapaloob sa isang public register – ang blockchain. Ang mga transaksyon ay pinapatunayan ng mga taong gumagamit ng system at iba pang mga computers. Lahat nang ito ay nangyayari na hindi nakikilala ang pagkatao ng mga gumagawa ng transaksyon.

Maraming industry experts ang nagbubunyi sa mga maaring mabuting gamit ng blockchain, pero patuloy naman na hati ang opinion nila sa mga cryptocurrencies.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: