was successfully added to your cart.

Cart

Mga dapat gawin kapag nawalan ng trabaho?

Ideally, bago ka pa mawalan ng trabaho sa kung anumang dahilan, ay may sapat kang emergency savings para maalpasan ito. Siyam na buwang gastusin ang dapat halaga ng iyong emergency savings para hindi abutin ng pangamba at mag-apura sa paghahanap ng kapalit na trabaho.

Kaya bago pa mawalan ng trabaho, paghandaan ito dahil hindi natin alam kung anu-ano ang maaring ibato sa atin ng buhay. Pero paano kung inabutan na ng pagkatanggal sa trabaho o kaya naman ay pagod ka na sa kasalukuyang trabaho at nagpasiyang, mag-resign?

Ano ang mga puwedeng gawin habang walang trabaho?

Mag-aral

Na-interview ko si Mel Intia, isang professional sa Singapore, na biglang nawalan ng trabaho kasabay ng kaniyang asawa. Ibinahagi niya sa akin na ginamit niya ang panahon na wala siyang trabaho na tapusin ang kaniyang master’s degree.

Dahil dito, natupad ang kaniyang pangarap na matapos ito. Nakadagdag pa ito sa kaniyang credentials kaya tumaas ang kaniyang market vaue at nakakuha ng trabahong mas mataas kaysa sa nainwanan niya.

Bukod sa pagtatapos ng master’s, maari ding um-attend ng mga trainings o seminars na makapagbibigay sa iyo ng bagong kaalaman o kakayahan; or simply just to update your knowledge and skills. Sa ganitong paraan, mas magiging competitive kapag babalik na sa job market.

Kung walang budget, maraming mga free online courses ngayon na maaring pagpilian.

Kumuha ng side job, part time job o volunteer work

Habang naghihintay sa gusto mong trabaho, maaaring kumuha ng side job o part time job para hindi mabakante. Maaaring pumasok sa short term consultancy upang masubukan ang pagta-trabaho sa ibang kumpaniya o iba namang work environment.

Puwede ring mag-volunteer sa mga charitable institutions o kaya naman ay non-government organizations na nangangailangan ng kaalaman o kakayahan mo pero hindi ka nila afford in normal circumstances.

Nakakadagdag din sa ganda o pogi points sa resume ang mga relevant volunteer activities.

Reflect – ayusin ang financial plan

Dahil magkakaroon ng maraming oras kapag nawalan ng trabaho, gamitin ito sa makabuluhang bagay tulad ng pagmumuni-muni sa kinabukasan mo. This is a good opportunity for your to review and reflect on your life at i-update ang iyong financial plan. (Read: Paano gumawa ng financial plan)

Take a break

You can choose to disconnect or reconnect while taking a break. Puwede din naman both.

When disconnecting, you can choose to take short vacations. Puwede kang mag-solo travel. Kung napaghandaan mo ito noong ikaw ay may trabaho, siguradong may budget ka para dito. (Watch: Vacation on a budget)

Ang dating nahihirapan kang hanapan ng sapat na work leaves ay madali at malaya mo nang magagawa. You will appreciate planning ahead for the unexpected sa ganitong sitwasyon.

Choosing to reconnect means visiting your family and friends; or even long-time co-workers na hindi mo na nakikita. Bukod sa energizing para sa iyong social life ang ganitong activity, maari ka pang maka-scoop ng job opportunities from them.

Do activities you previously do not have time for

Ngayong sarili mo na ang oras mo dahil wal kang trabaho, you can freely pursue the hobby you’ve been wanting to start. Puwede ring gamitin itong panahon para bumisita sa gym at magbalik-alindog program so that you look and feel better in your next job interview.

The choice is yours. Mamili ka sa mga gusto mong gawin na hindi mo magawa-gawa dati dahil wala kang oras, pressured ka sa work and you need to work for your boss.

Job hunt

Of course, ang kailangan mo ding gawin ay maghanap ng trabaho. That’s the reality.

But before jumping in, make sure that you update your resume and practice having interviews. Take your time to research on the company that you wish to work for and the hob that you want.

Hope for the best, expect the worst

Ito ang mantra ng partner ko sa buhay and I took it to heart – hope for the best, expect the worst. Kaya kahit nasa napakaganda at ideal ka na trabaho ngayon, hindi masama na paghandaan kung biglang mawalan ng trabaho.

Para naman sa mga in-between jobs na ngayon, sana ay nakatulong sa inyo ang aking tips on what to do. Sana ay nakapagbigay na naman ako sa inyo ng bagong perspektibo kung ano ang mga puwedeng gawin kapag nawalan ng trabaho.

vincerapisura.com


One Comment

  • PP Gal says:

    Sa mga naghahanap ng trabaho mas maigi na mag-apply online kaysa sa mga job fair at advertisement sa dyaryo. Mas mabilis mag-reply ang mga company sa online job boards.

    At sa mga nawalan ng trabaho huwag matakot na sumubok ng ibang interes kagaya ng blogging. Naging libangan ko ito habang ako’y naghahanap ng trabaho noon. Sa ngayon naging source of passive income na rin ang dating hobby. Gamitin ng tama ang oras at patuloy na mag-aral para maging produktibo at positibo ang pananaw sa buhay.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: