was successfully added to your cart.

Cart

Dapat ba tayong matakot sa pagbaba ng piso laban sa dolyar?

By July 6, 2017 News, OFW

 

Kahapon ay bumagsak ang palitan ng piso sa dolyar sa halagang PhP50.60 kada dolyar. Ibig sabihin, masa maramin piso ang kakailanganin para makabili ng dolyar.

Lagi bang negatibo ang epekto nito sa ordinaryong mamamayan?

OFW

Ang mga OFW at ang kanilang mga pamilyang tumatanggap ng remittances dito sa Pilipinas ay ang klarong panalo sa pagbaba ng piso laban sa dolyar. Mas madami na kasing piso ang makukuha nila sa bawat dolyar na pinapadala.

Mabuti din ito sa ekonomiya ng Piipinas dahil ang mga pinapadalahan ng remittances ay karaiwang ginagamit itong panggastos o pang-consumption. Kapag may mga consumers, mamamayagpag ang mga negosyo at makabubuti ito sa ekonomiya.

Turismo

Maari ding mas makaakit ng mga turista ang Pilipinas dahil mas mura na ang pagpunta dito dahil sa mas marami nang mabibiling piso ang kanilang dolyar. Maraming industriya ang umaasa sa turismo at kung ito ay mamamayagpag, maraming makikinabang.

Exporters

Mas magiging competitive din ang presyo ng produktong pang-export. Ang epekto kasi nito ay mas mura nang mabibili ang mga produktong ini-export natin sa labas ng Pilipinas.

Pagtaas ng presyo

Ang mas mahinang piso ay nangangahulugan din ng pagtaas ng presyo ng bilihin dahil marami sa mga produktong binibili natin ay imported. Pinakamahalaga dito ang langis na ini-import natin.

Dolyar kasi ang gamit natin para bumili ng langis. Kapag nagtaas ang presyo nito, tataas din ang bilihin dahil malaking bahagi ng kalakal o pagne-negosyo ang langis.

Higher debt servicing

Para sa gobyerno, mas tataas din ang kailangang bayaran sa mga inutang natin na naka-base sa dolyar o ang tinatawag na dollar-donominated debt o foreign debt. Kung mas malakas ang piso, mas may magagamit ang gobyerno sa social welfare services kaysa gamit pambayad sa utang.

Hindi masasabing ang pagbaba o pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar ay agad na positibo o negatibo. Ang mas mahalaga ay ang pagbabantay na gagawin ng Bangko Sentral na Pilipinas upang maiwasan ang biglaang pagtaas o pagbagsak nito.

Samakatuwid, ang pagtaas at pagbaba ng piso laban sa dolyar ay maganda kung ito ay banayad.

vincerapisura.com


3 Comments

  • Genrose says:

    😊 Nice

  • Lorna says:

    For me as a remittance sender hindi ako nag dadag dag ng pinapadala kung tataas presyo ng dollar e.g I send 8k a month yun na yun kaya feeling ko naka save ako ng kunti. So ang tumatang gap nman is hindi sila nag rereklamo.

  • Maria Andes T. Caspe says:

    Magandang info. ito sir Vince. Infos pa more😍

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: