was successfully added to your cart.

Cart

Dapat ba akong mangutang sa Pag-IBIG para siguradong walang ibang gagamit nito?

Hindi.

Isa ito sa mga urban legends about how to verify whether your Pag-IBIG is used by somebody other than you. Pero sa tingin ko, ito ay isang madaling scapegoat lang upang makapangutang.

Sa madaling salita, madali kasi itong idahilan.

Para malaman kung may ibang taong gumagamit sa Pag-IBIG mo, ang pinakamagandang gawin ay i-check ito mismo sa Pag-IBIG. Kung empleyado ka, you can ask assistance from your human resource department or your employer.

Sinubukan ko ding tumawag sa Pag-IBIG hotline. It worked!

I dialed Pag-IBIG’s hotline number at sinagot ako ng kanilang customer service, si Rose. Hindi ko memorize ang Pag-IBIG number ko so I asked kung puwede niya ako i-assist.

After asking for my full name, birth date and employer, she gave me my permanent Pag-IBIG number. Tinanong ko din si Rose kung puwede ba niyang i-check sa system niya kung ako ay may loan.

“Upon checking in our system, sir, wala po kayong loan under short term loan at housing loan,” tugon ni Rose sa aking tanong.

Bongga!

Ang hotline ng Pag-IBIG ay +632-724-4244. Tawag na nang masubukan niyo rin tapos balitaan niyo ako sa inyong experience.

vincerapisura.com


One Comment

  • For OFWs, pwede mgmessage sa Facebook page mas mabilis at libre pa. Sa simula ng taon, dapat humingi din ng record ng inihulog bukod sa soft copy na isinisave kada magbabayad online.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: