was successfully added to your cart.

Cart

Dapat ba akong maging guarantor sa utang?

Nilapitan ka na ba ng kaibigan o kamag-anak mo na pumirma bilang guarantor sa utang nila? Naiitindihan mo ba ang pinasok mo?

Ang guarantor ay isang tao na nagbibigay ng garantiya o seguridad para sa isang borrower kung siya ay hindi makapagbayad sa obligasyon sa utang.

Pledge assets

Requirement sa pagiging isang guarantor ang pag-pledge ng iyong mga ari-arian sakaling hindi makapagbayad ang binigyan mo ng garantiya.

Kasama dito ang pera mo sa bangko.

Tulong sa paniningil

Isa din sa responsibilidad ng guarantor ang magbigay ng serbisyo o tulong sa pinag-utangan upang matulungan silang makasingil. Maari ka nilang tawagan at alamin sa iyo kung paano mako-contact ang borrower.

Character reference

Bilang guarantor, nagsisilbi kang character reference ng borrower. Nagpapatotoo ka sa ugali at likelihood ng borrower na mabayaran ang kaniyang utang.

Good credit history

Kinakailangang may maayos kang credit history o credit score para maging guarantor.

Sapat na income

Tinitingnan ng creditor kung may sapat na income pambayad ang guarantor. Kaya dapat mataas o may sapat na income ang guarantor.

Effective until loan is repaid

Mananatili kang guarantor ayon sa kontratang pinirmahan mo kapag nabayaran na nang buo ng borrower ang loan. Hangga’t ito ay hindi nababayaran maski lumampas na ng maturity date ng loan.

Kasama ka pa din sa obligasyong i-settle ang loan kung hindi makakabayad ang borrower.

Not a co-signer or co-borrower

Bilang guarantor, wala kang pakinabang na makukuha mula sa borrower. Siya ang magbebenefit sa kabuuan ng loan.

Kung ari-arian ang ipinangungugang niya, hindi ilalagay ang pangalan mo sa dokumentong magpapatunay ng ownership.

Borrower is high risk

Kadalasang ang hinihingan ng guarantor ang mga borrower na mababa ang credit score o kaya naman ay kulang ang income para bayaran ang loan na inapplyan.

Para sa akin, isang senyales na hindi pa handang mangutang ang isang tao kung sila ay hinihingan ng guarantor.

Be VERY careful

Dahil sa laki ng responsibilidad bilang isang guarantor at wala ka namang pakinabang dito, kailangang isipin at pag-aralang mabuti kung dapat bang pumayag dito. Kung sa tingin mo may “K” ka magpautang, malamang may “K” ka ding maging guarantor.

Kung kaya mong tanggapin ang responsibilidad, obligasyon at risk na kasama sa pagiging guarantor. Go ahead.

Desisyon mo pa rin naman kung gusto mong ituloy ang pagiging guarantor. Sana ay mas naintindihan mo ang iyong responsibilidad matapos mong basahin ito.

 

 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: