was successfully added to your cart.

Cart

Ang paglikha ng environment na kaaya-aya sa pag-iimpok ang pinakamainam na paraan upang maengganyo ang sariling mag-ipon. Isama sa plano ang pinakamalapit na tao sa iyo, ang partner o asawa mo, para kapuwa niyo mapigilan ang isa’t-isa sakali’t dumating ang pagkakataon ng pag-aalinglangan.

Kapag kasama mo na sila, isangkot mo na rin ang iyong buong pamilya. Mainam ding hikayating mag-ipon ang mga kaibigan mo. Halimbawa, pinasimulan ko ang pagbuo ng savings club sa mga kaibigan ko.

Sa kasalukuyan, hindi na lamang ang mga personal naming buhay ang napag-uusapan namin, kundi maging ang aming mga investment opportunities at kung papaano kami makatutulong sa isa’t-isa. Puwede kang bumuo ng commitment savings para maenggayo at madisiplina mo ang iyong sarili na mag-ipon.

Paano gumagana ang commitment savings?

Ang commitment savings ay isang paraan kung saan napipigilian mo ang iyong sariling galawin ang savings. Upang mangyari ito, kailangan mong isangkot ang pinagkakatiwalaang kaibigan upang tulungan ka.

Ang kaibigang ito ang magdedesisyon kung kalian mo maaaring gamitin ang iyong savings batay sa napagkasunduan ninyong kondisyon. Mapadadali ang pagsasagawa nito kung makabubuo kayo ng savings goal o kasunduang petsa bilang kondisyon para sa pag-withdraw ng iyong savings.

Kausapin mo at ipaliwanag sa kaibigang ito ang iyong savings goal o natukoy na petsa para sa commitment savings. Siya ang maglilimita sa access mo sa iyong savings hangga’t hindi ka nakapagpapakita ng pruwebang sapat na ang iyong inipon para sa iyong savings goal o lampas na ang napagkasunduan ninyong oras.

 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: