May bagong labas na namang iPhone – iPhone X at iPhone 8. Gaya ng inaasahan, may mga bago na naman itong features tulad ng malaking OLED screen, upgraded na camera, face recognition, pinabilis na processors at wireless charging.
Kung tutuusin, ang mga ito ay luxury features o labis sa pangangailangang pangunahing dapat tinutugunan ng gamit ng celphone – komunikasyon.
Hindi naman masama ang magkaroon ng iPhone. Nagiging masama ito kung uunahin mo ito ng higit pa sa mga pangangailangan mo at ng security ng iyong financial feature.
Narito ang aking gabay kung afford mo ba tala ang iPhone.
Kung ayon sa aking panuntunan ay hindi mo pa afford ang iPhone, baka gusto mong matutong mag-save. Makakatulong ang mga Savings 101 articles ko.
Maari mo ring ma-afford ang iPhone kapag ikaw ay may source of income. Ang dalawang paraan para magkaroon ng source of income ay sa pamamagitan ng investments at pagtatayo ng negosyo. Basahin ang Investments 101 at Paano Magsimula ang Negosyo.
Sa mga may kamag-anak abroad, pwede kayong magtanong kung may luma silang iPhone na hindi na ginagamit. Ito din ang dahilan kaya sobrang ingat ko para maipadala ko sa Pilipinas yung iPhone na hindi ko na ginagamit. Natutunan ko na mas maigi na bumili ng iPhone na may mataas na memory para sa mga apps at files ko. Maari ding bumili ng used phones or bayaran ang phone in full para maliit lang ang bayad sa network companies every month for data, talk, and text.