Sino ang mga kumikita ng minimum sa Pilipinas? Sila ang mga kontrakwal na sales lady sa mall, service crew sa mga fast food chains, drivers, messengers, janitor na empleyado sa mga korporasyon atbp.
Iniulat ng Philippine Statistics Authority na noong Enero 2015, 57.8% ng mga nagtatrabaho sa Pilipinas ay kumikita na minimum. Kaya’t napakatugma ng 5-10-20-60 budget rule sa kanila.
Ipinapalagay ko na ang mga employers ng mga kumikita ng minimum wage ay nagbabayad ng mga benepisyong tulad ng PhilHelath, kontribusyon nila sa Social Security System (SSS), gayundin sa PAG-IBIG, at ang 13th month pay. Isa pang isinabatas ay ang hindi na kailangang magbayad ng income tax ang mga kumikita lamang ng minimum wage.
Nakakatulong ang mga ito para sa mainam na financial plan nila. Karapatan ng mga kumikita ng minimum wage ang magamit ang mga benepisyo, at maaari nilang idemanda ang kanilang mga employers sakaling ipagkait sa kanila ang mga benepisyong nabanggit.
Mapaparusahan ang mga employers na hindi sumusunod sa itinakda ng batas.
Magkakaiba ang minimum wage rates depende kung saang rehiyon ka sa Pilipinas nagtatrabaho. Para makita natin, gagamitin natin ang daily minimum wage rate sa National Capital Region na P466. Ang average working days sa isang buwan ang karaniwang ginagamit para kalkulahin ang monthly minimum wage rate na 22.25 days. Lalabas na P10,368.50 ang suweldo kada buwan kung gayon. Ilagay na natin sa P10,500 para sa mas madaling computation.
Kung ilalapat natin ang budgeting rule sa mga kumikita ng minimum wage, magkakaroon siya ng budget na P525 para sa insurance, P1,575 para sa ipon, P2,100 para sa mga bayaring utang o investments at ang natitirang P6,300 para sa mga gastusin. Ang table sa ibaba ay nagpapakita ng aplikasyon ng 5-15-20-60 budgeting rule sa monthly gross income na P10,500.
Table 5. Halimbawang Budget Para sa Mga Kumikita ng Minimum Wage
Insurance
Kapag inilalapat ang 5-15-20-60 budgeting rule, kailangan nating isaalang-alang ang mga benepisyong itinakda ng gobyerno para matulungan tayong sundin ang mga ito. Sinasagot ng employer ang kontribusyon sa PhilHealth, na tumatayong medical insurance. P200 ang bayad kada buwan.
Eleven percent naman ng monthly salary credit ang para sa Social Security System na hindi lalampas ng P16,000. Kapwa nagbibigay ng kontribusyon ang employer, 7.3% at ang empleyado, 3.63%.
Para sa mga empleyadong kumikita ng minimum wage, ang suweldo nila ay P10,500. Ang kontribusyon ng employer ay P773.50 at ang kontribusyon ng empleyado ay P381.50 para sa kabuuang kontribusyon na P1,155.00.
Savings
Sa Pag-IBIG naman, ang maximum na monthly compensation na ginagamit ay P5,000 para sa komputasyon ng kita ng empleyado. Kung gayon, ang maximum na pantapat ng employer sa kontribusyon ay P100.
May opsyon naman ang employer na magbigay ng higit sa P100. Ipagpalagay lang natin na kapwa ang employer at empleyado ay P100 ang kontirbusyon sa Pag-IBIG. Ang sumusunod na table ang nagbubuod ng mga benepisyong itinakda ng gobyerno na tugma sa mga kumikita ng minimum wage.
Table 6. Kontribusyon ng Employer at Employee Para sa Employment Benefits
Tulad ng binanggit kanina, hindi kasali sa pagbabayad ng income tax ang mga kumikita ng minimum wage kaya’t ang kabuuan ng 60% ay maaari nilang gamitin sa mga pang-araw-araw na gastusin.
Expenses
Maaaring ang ilan sa inyo ay ma-eskandalo sa napakababang budget sa pang-araw-araw na gastusin. Sumasang-ayon ako.
Mahirap mabuhay ayon sa budget sa kasalukuyang panahon dahil sa mahal na mga bilihin. Bagama’t kung makakatulong, iminumungkahi kong sundin pa rin ang budgeting rule.
Ano ang mga paraan para mapataas ang budget para sa mga gastusin ng mga kumikita ng minimum wage? Ang isa sa mga opsyon ay magtrabaho ang mga miyembro ng pamliya na nasa legal ng edad.
Sa ganitong sitwasyon, ang pinakamabisang paraan para epektibong mapataas ang budget para sa mga gastusin ay dagdagan rin ang pinagkakakitaan. Kung hindi ito posible, tulad ng kung isa lamang ang kumikita para sa pamilya, maaari namang mag-adjust ang budgeting rule kung kinakailangan para mabuhay.
Ang negative effect lang rito ay kapag nilabag ang budgeting rule ay ang paghina ng sambahayan sa mga panahon ng emergency at kahirapan.
Ang ikalawang opsyon ay maghanap ng paraan para itaas ang budget para sa mga gastusin sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa mga kontribusyon sa mga itinakdang batas ng pamahalaan para sa benepisyo ng mga empleyado.
Ang sumusunod na table ay nagpapakita ng breakdown ng budget items, kaltas sa empleyado, at ang employee counterparts bilang mabilis na sanggunian.
Table 7. Alternatibong Halimbawa ng Budget Para sa mga Kumikita ng Minimum
Nagbabayad ng P200 ang employer para sa bawat empleyado sa PhilHealth. Batas ito ng gobyerno bilang benepisyo sa mga empleyado para sa kanilang medical insurance. Tulad ng ipinakita sa table, ang budget para sa insurance premium ay P525.
Maaari itong bawasan ng P200 dahil sa kontribusyon ng employer sa PhilHealth. Ang natitirang P325 ay magagamit para sa term insurance na sasaklaw sa death, accident, at disabilities.
Nag-aalok ang mga micro-insurance companies ng mga insurance products para sa maliit na halaga ng premium. Sa ganitong kaso, ang benepisyo ng empleyado – ang P200 na kontribusyon ng employer sa PhilHealth – ay nababawas at naidadagdag sa budget para sa mga gastusin.
Ang mga kumikita ng minimum wage ay nagbibigay ng kontribusyon na P100 para sa Pag-IBIG at P381.50 na retirement contribution sa SSS. Maikakategorya ang dalawang ito bilang investment.
Sa katagalan, maaari ring isaalang-alang ang kontribusyon ng employer na P873.50 para sa Pag-IBIG at SSS bilang bahagi ng investments. Ang halaga nabawas mula sa knotribusyong ito ay P1,355.
Kailangang bigyang-diin na ang dalawang long-term saving program ay makukuha lamang sa retirement ng employee. Ito ay sa pagdating niya sa edad na 60. Gayunpaman, ito ay mai-kakatergorya bilang investment.
Loans
Kung walang loan ang empleyado at kakayanin niyang mabuhay na wala ito, iminumungkahi kong ang natitirang P745 na budget ay itabi para sa investment. Maaari itong ipunin sa bangko para lumago at maaaring i-invest sa mas mataas na financial instruments.
Kung may pangangailangang mag-loan, ang payo ko ay limitahan ng empleyado ang kanyang bayarin sa P745 kada buwan para makasunod pa rin sa 20% na budget rule para sa investment at loan payments.
Ang kabuuang halaga na nababawas matapos ang maisaalang-alang ang kontribusyon ng employer at employee ayon sa mandatong benepisyo ng gobyerno ay P1,555.00. Sa ikalawang opsyon na ito, tumataas ang halaga ng budget ng halos 25% mula sa P6,300 (P10,500-4,200) patungo sa P7,855.00 (P10,500-P2,645).
Tungkol naman sa 13th month pay, iminumungkahi kong itabi ito para sa emergency savings. Hindi naman kasali ang 13th month sa regular na buwanang sahod kaya’t mas madali na hindi ito isipin bilang extra income na maaaring gastusin.
Huwag gastusin ang 13th month pay sa mga selebrasyon na siyang pinakamabilis na temptasyon matapos matanggap ang pera lalo pa’t ibinibigay ito tuwing magpapasko. Kung mayroon naman para sa emergency savings, ang 13th month pay ay maaaring gamitin para sa investments at hindi bilang dagdag na pera para sa mga gastusin.
Bawat empleyadong kumikita ng minimum wage ay kinakailangang makahanap ng paraan para makapagtabi ng emergency savings at gayundin ng iba pang investments.
I like your rules sir vince specially yur 5,15,20,&60 rules,tip!😀👏👍✊️🇵🇭
Oh la la paano na vince halimbawa bayad ako ng bayad sa sss ko sa pinas tapos pala pagnaretired ako nasa abroad pala ako mamamalagi!paano ko maenjoy ang pension ko ba yan sa sss?👍😀