Sir Vince: Maayong buntag sa atong tanan! Nandito tayo ngayon sa Bislig City at kausap natin ang isang microentrepreneur at tatanungin natin siya sa kanyang business. Anong pangalan mo?
Maricel: Maricel.
Sir Vince: Maricel, puwede bang kuwentuhan mo kami kung papaano ka nagsimula sa iyong business?
Maricel: Diskarte.
Sir Vince: Diskarte!? Paano ka dumidiskarte?
Maricel: Budget.
Sir Vince: Okay.
Maricel: Yung pinagloan ko…
Sir Vince: Nagloan ka din.
Maricel: Ginamit ko sa tindahan.
Sir Vince: Okay.
Maricel: Yun lang.
Sir Vince: Okay. So, sabi mo nagbudget ka nang maigi tapos kumuha ka rin ng loan tapos yung loan na yun ay ginamit mo para sa negosyo. Okay. Yun bang ni-loan mo ay ginamit mo rin yun para sa pambili ng damit, pang birthday?
Maricel: Wala.
Sir Vince: Wala! okay, very good!
Maricel: Para lang sa negosyo.
Sir Vince: Para lang talaga sa negosyo. Kung tatanungin ka ng isang katulad mo ‘no na magsisimula pa rin na magbusiness, ano yung ma-advice mo sa kanya?
Maricel: Ang ma-advice ko lang, magstart lang na… magstart lang… ayaw muna nang malaki.
Sir Vince: Okay. Magstart ka ng…
Maricel: Start muna ng maliit.
Sir Vince: Maliit. Okay.
Maricel: Tapos budget talaga para sa negosyo, sa negosyo lang. Iba sir yung sa luho.
Sir Vince: Aahh! Okay. So, iba yung budget sa negosyo, iba ang budget sa luho.
Maricel: Oo.
Sir Vince: Okay. Maganda yan. So, yan ‘no, narinig natin si Maricel ngayon ‘no at dalawa yung napulot ko sa kanya ngayon. Kung magsisimula ka daw na magbusiness, magsimula sa maliit tapos ang gagawin mo rin ay magbudget ng maigi, iwasan ang luho at gamitin ang pera sa pagnenegosyo. So, maraming maraming salamat sa iyo Maricel ‘no…
Maricel: Salamat!
Sir Vince: At sa ano… artista ka na, anong masasabi mo?