was successfully added to your cart.

Cart

Apat na pinagmumulan ng oportunidad upang makapagtayo ng negosyo

Malimit akong tanungin kung ano daw ang negosyong magandang simulan. Napakahirap nitong sagutin dahil maraming bagay ang dapat i-consider.

Para makatulong sa pagiisip kung anong business ang magandang itayo, narito ang apat na pinagmumulan ng oportunidad upang makapagpatayo ng negosyo.

Mga Problema

Ang mga produkto at serbisyo ng negosyo ay naglalayong sagutin ang mga pangangailangan (needs) at kagustuhan (wants) ng mga consumers o mamimili. Ang mga needs and wants na ito ay karaniwang galing sa problema.

Humanap ng problema sa paligid mo. May kinaiinsan ka ba o kinayayamutan? Ngayon, tingnan kung maari kang makapagbigay ng solusyon para sa problemang ito. Kung meron anong produkto o serbisyo ito?

Change

Ang mga pagbabago  o change ay maaari ding pagmulan ng oportunidad para magtayo ng negosyo. Ang pag-recognize sa karapatan ng LGBT, ang trend na mas maging healthy at ang pagpapalit ng administrasyon sa gobyerno ay mga halimbawa ng pagbabago na maaring basehan ng negosyo.

Sa America, halimbawa, nauuso ang mga wedding planners and coordinators na naka-focus lang sa LGBT community. Nauuso din sa mga supermarkets ngayon pagkakaroon ng section na puro organic products lang ang ibinebenta upang tugunan ang pangangailangan ng mga taong gustong magkaroon ng healthy lifestyle.

Kapag ako ay nagbibigay ng training, nagbibiro din ang aking mga participants na sa panahon daw ng Tokhang, nauuso ang negosyo sa kandila, bulaklak at funeral services dahil sa dami ng namamatay.

Inventions

Ang mga makabagong imbensyon o inventions ay maaring pagmulan din ng oportunidad. Maaring ang mga imbensyon ay paerhong produkto pero nahanapan ng mas magandang gamit.

Nabasa ko kung saan na ang Listerine daw ay ginawa na panggamot sa alipunga ngunit mas bumenta bilan mouthwash. Ang Viagra naman ay ginawa upang panggamot sa high blood pero ang nakatutuwang side effect nito, ang siyang bumenta.

Competition

Kung sa tingin mo mas maibibigay mo nang mas maganda, mas mabilis o mas mura ang isang existing product o service, maari din itong pagsimulan ng negosyo. Kaya magandang magmasid kung ano pa ang puwede o kaya mong i-improve sa mga produkto o serbisyong meron ngayon.

Sana ay makaisip kayo ng negsoyo base sa problema, pagbabago, imbensyon at competition. Sana rin ay maging matagumpay at kumita kayo nang limpak-limpak dahil dito.

vincerapisura.com


One Comment

  • Jeffuh says:

    Apartment sa lugar nmin…kc wla pa msyado apartment tapos sa tabi ng highschool ung lupa ko…tapos may bago tinatayo state U 5 mins away sa pinapagawa ko po apartment..sana mapatapos ko na dis year 2 unit ko apartmnt. -OFW frm South Korea☺

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: