was successfully added to your cart.

Cart

Apat na katangian ng oportunidad upang maging matagumpay sa negosyo

By July 26, 2017 Investments

Ang opportunity ay isang grupo ng mga pangyayari upang magawa isang bagay. Mahalagang elemento ang opportunity sa pagnenegosyo.

Nakikita ng isang negosyante ang opportunidad na sa paningin ng marami ito ay problema lamang. Lahat ng nagsisimula ng ng negosyo ay nakakakita ng oportunidad.

Attractive ito sa mga consumers

Ang isang opportunity ay isang ideya na naka-base sa pangangailangan at kagustuhan ng consumers o mamimili. Hindi ito naka-base sa negosyante.

Halimbawa, masarap para sa negosyante ang kaniyang bagong recipe sa tinapay na tinda niya. Maaring masarap ito sa panlasa ng negosyante ngunit ang mas mahalaga ay ang panlasa ng consumer. Kung hindi ito magugustuhan ng consumer, walang opportunity.

Gagana ito sa iyong business environment

Hindi lahat ng oportunidad ay gagana sa iyong business environment dahil kailangang isa-alang-alang ang business environment. Ang isa sa pinaka-nakaabekto sa business environment ay ang batas.

Halimbawa, nagiging legal na ang paggamit ng medical marijuana sa maraming bansa. Ibig sabihin, may oportunidad. Ngunit ang oportunidad na ito ay hindi angkop sa Pilipinas dahil may batas tayong ipinagbabawal ang pagbebenta ng Marijuana.

Ang iba pang nakaka-apekto sa business environment ay ang political situation, infrastructure, technology at marami pang iba.

May window of opportunity

Hindi parating nandiyan o nananatili ang oprtunidad. Lumilipas ito kaya may tinatawg tayong window of opportunity.

Halimbawa, balak mong magbenta ng tomato ketchup. Kailangan mong timing-an nang mabuti ang pagbili ng kamatis, ang pangunahing ingredient ng iyong ketchup.

Kapag bumili ka ng kamatis sa panahong mahal ito, hindi ito magandang oportunidad at napalampas mo ang window of opportunity.

May kaalaman at resources

You cannot take advantage of opportunity if you do not take action. Para um-aksyon, kinakailangan natin ng kaalaman at resources.

Kung wala kang kaalaman o resources, kinakailangang may kailala kang meron ng mga ito at willing siyang maki-sosyo sa iyo.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: