was successfully added to your cart.

Cart

Apat na katangian ng mga mandaraya at magnanakaw na kailangang malaman upang maiwasan

By September 6, 2017 Financial behavior

Isa sa mga challenges na karaniwang hinaharap ng mga negosyante at mga korporasyon ay ang pandaraya o kaya naman ay pagnanakaw ng mga empleyado. Ito ay isang komplikadong at multi-faceted na problema.

Marami itong maaring pagmulan at hindi naguugat sa iisang kadahilanan lamang. Ang institutional culture, ang internal controls, hiring process, sapat na pa-suweldo at character ng mga empleyado ay ilan lang sa mga maaring mag-contribute sa kung bakit nandaraya o nagnanakaw ang isang tao.

Sa aking 17 years of experience sa pagta-trabaho at pagne-negosyo, may apat na katangian akong nakita sa mga mandaraya at magnanakaw. Siyempre, marami pang ibang katangian pero ang apat na ito kapag lubusang naintindihan ay masu-sulosyunan ang pandaraya at pagnanakaw.

Nagsisimula sa magandang intensyon

Lahat ng mga nahuli kong nagnakaw at nandaya ay may mabuting kuwento sa likod ng masamang gawain – ginamit ang pera para pampagamot sa may sakit, pampaaral sa mga anak, pamabayad sa renta, tubig kuryente at kung anu-ano pa.

Ngunit hindi ito sapat na dahilan para mandaya at magnakaw. Ang napansin ko din, kapag hindi nahuli agad ang magandang intensyon ay nagiging luho – pinambili ng bagong damit, bagong cellphone o ang-birthday ng anak.

Madaling matukso

Kapag may naiwan na barya o pera sa opisina at ito ay hindi naibabalik, senyales ito na may taong madaling matukso at maari siyang makahanap ng pagkakataon para magnakaw at mandaya. Ang iba pang versions nito ay mga hindi nagsasauli ng sukli o kaya ay nagdadagdag (‘padding’)ng resibo sa liquidation o reimbursements.

Madalas din silang tumatakas sa trabaho. Magse-set ng meeting sa umaga pero uuwi na at hindi na babalik sa opisina. Ang mga taong madaling matukso ay ang mga madaling kausap sa sabwatan.

 

 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: