May tatlong klase ang mga Overseas Fiipino members – sea-based, land-based at mga dual citizens.
Ang mga seabased Filipino workers o seafarers ay yung mga nagtatrabaho sa mga barko. Ang mga and land-based naman ay yung mga hindi nagta-trabaho sa barko. Ang mga dual citizens ay yung mga Filipino na citizen din ng ibang bansa.
Automatic coverage for dependents
Mahalaga ang PhilHealth membership para sa mga OFWs dahil covered din automatically ng PhilHealth ang kanilang mga dependents – anak at magulang. Kaya kahit nasa ibang bansa ang miyembro, may benepisyo para sa mga naiwang dependents.
Ibig sabihin nito, mababawasan ang pangamba ng mga nasa abroad upang punan ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya sa pangangalaga sa kalusugan dahil pareho lang ang benepisyo ng mga miyembro at mg dependents sa Pilipinas.
Medical care benefits
May hospital confinement at out patient surgeries benefits ang mga miyembrong Overseas Filipinos ng PhilHealth kapag sila ay nasa Pilipinas. Kapag sila naman ay nasa abroad, ang kanilang confinement ay maaring ma-reimburse.
Binibigyan sila ng 180 araw mula pagka-discharge s hospital para isumite ang kanilang claims documents sa mga opisina ng PhilHealth sa Pilipinas.
Ito ang mga benefits ng PhilHealth:
- Inpatient benefits – ito ay ang pangangalaga sa kalusugan na nangangailangan ng admission sa ospital. Kadalasan ito ay dahil sa matinding pagkakasakit.
- Outpatient benefits – tinatawag din itong ambulatory care o mga treatment na hindi naman kinakailangan pananatili sa hospital.
- Z Benefits – ito naman ay ang mga klase ng sakit na pangmatagalan ang paggamot at may kamahalan. Bibigyang tugon ng PhilHealth ng fixed benefit o amount. Kung lalagpas dito ang magagastos, ang miyembro ang magbabayad ng balanse.
- SDG-related – ito naman ay ang mga serbisyong pangkalusugan na may kinalaman sa Sustainable Development Goals tulad ng malaria, HIV/AIDS, tuberculosis, contraception at animal bites.
Sir, ask klng po ung anak namin my epilepsy sya at almost 20k pesos ang gamot nya every month. After discount naun. Pwde bang ma cover ng philhealt ang gamot nya??? Thanks po
Sir Vince ano pong investment ang pwede kung saan pag dating ng retirement ang interest palang nito ay pwde ng gamitin pang sustain sa mga daily needs?