was successfully added to your cart.

Cart

Anong dapat unahin: mag-ipon o magbayad ng utang?

By September 26, 2017 Loans, Savings

Madalas itong itanong sa akin ng mga taong nais pagandahin ang kanilang financial practices. Ang kalagayan nila ay may utang sila pero nalaman nila na dapat pala ay magkaroon din ng emergency savings.

Nalilito sila kung ano ang uunahin, ang mag-ipon para sa emergency savings o ang magbayad ng kanilang utang.

Unahing magtabi ng savings

Mahalaga na magkaroon tayo ng emergency savings dahil kung wala tayo nito, sa panahon ng emergency ay malamang tayo ay mangungutang para makaraos. Lalo tayong mababaon sa utang.

Sa aking budgeting rule, 15% ng buwanang kita ang aking inire-rekomendang maisubi.

Hindi naman kinakailangan maabot agad ang emergency savings goal na katumbas ng siyam na buwang gastusin. Ang mahalaga ay masimulan ito nang maabot sa lalong madaling panahon ang emergency savings goal.

Bayaran ang utang nang mabilis

Hindi lahat ng utang ay masama. May mabuting gamit din ito. Kung ginamit mo ang utang sa isang bagay na hindi kumikita, hindi ito kanais-nais na paggamit ng utang. Kaya ang dapat gawin ay bayaran ito nang mabilis upang matapos na.

Di hamak na mas malaki ang interest sa binabayarang utang kaysa sa tutubuin nito kung itatabi ang pambayad bilang savings. Sa ganitong sitwasyon, maaring isipin na mas malaki ang returns mo dahil nakakamenos ka sa pagbabayad ng malaking interest sa utang.

Pagsabayin ang pagiipon at pagbabayad ng utang

Pinagsasabay ang pagbabayad ng utang at pagiimpok sa aking rekomendasyon. Ang goal natin ay (1) mabayaran agad ang utang lalung-lalo na kung ito ay ginamit sa bagay na hindi kumikita at (2) magkaroon ng emergency savings fund na katumbas ng siyam na buwang gastusin.

Maari munang ipagpaliban ang ibang klase ng investment habang binubuno pa ang pagbabayad sa utang at pagiipon ng emergency savings.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: