was successfully added to your cart.

Cart

Ano ang credit score

By June 27, 2018 Loans

Noong 2008, naipasa ang Credit Information System Act o ang Republic Act 9510 na nagtatatag ng credit information system sa Pilipinas. Dahil kami ay may financing company, naimbintahan kami kamakailan sa isang orientation seminar kung saan inaatasan kaming magbigay ng credit information sa mga kliyente namin.

Sa tingin ko, hindi magtatagal ay magiging popular na ang paggamit ng credit score katulad sa ibang mauunlad na bansa.

Credit score

Ang credit score ay isang numero na nagpapakita sa creditworthiness ng isang tao. Sa ngayon, napakalimitado pa ng impormasyon tungkol sa credit score.

Isa pa lang ang nabigyan ng accreditation ng Credit Information Corporation (CIC) bilang isang Special Accessing Entity (SAE) o credit bureau sa Pilipinas. Ito ang CIBI Information, Inc.

Ayon sa kanilang website, gagamitin ng CIBI ang FICO credit score system, isang US credit scoring company. Tatawagin itong myscore.

Mga tinitingnan sa credit score

Gumagamit ang FICO credit scoring system ng isang proprietary formula para maglabas ng credit score para sa isang tao. Tinitingnan nito ang mga sumusunod: payment history; level of indebtedness; length of credit history; new credit and types of credit used.

Hindi lamang tinitingnan ng FICO score ang galing sa pagbabayad ng utang ng isang tao. Tinitingnan nito ang kabuuang kakayahan nitong magbayad ng kanyang obligasyon. Nakikita ito sa pamamagitan ng payment history o kasaysayan.

Kasama sa mga magbibigay ng report sa pagbabayad ang mga utility companies tulad ng kuryente, tubig, telepono, cellphone at iba pa. Kaya kapag may napalampas na bayarin o naputulan ng linya, mapapababa nito ang iyong credit score.

Highest and lowest score

Ang myscore ay may pinakamababang score na 300 at pinakamataas na 850. Ipinapakita sa table sa ibaba kung paano ang credit scoring levels.

DescriptionCredit Score
Excellent800 – 850
Very Good 750 – 799
Good 700 – 749
Fair650 – 699
Poor600 – 649
Very Bad300 – 599

 

 

Kahalagahan ng credit score

Mahalagang malaman kung ano ang credit score mo dahil dito nakasalalay kung papasa ka sa approval kapag kumuha ng high ticket loans katulad ng bahay at sasakyan. Mas mapapadali ang approval ng loan mo kung mataas ang iyong credit score.

Maaari ka ring mabigyan ng mas mababang interest rate at mabigyan ng mas magandang serbisyo dahil sa iyong track record. Kaya pangalagaan ang iyong credit score dahil susi ito sa pag-unlad ng buhay.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: