was successfully added to your cart.

Cart

Ang Solusyon ng Maraming Pinoy sa Halos Lahat ng Problema sa Buhay

Utang.

Oo, nabasa mo nang tama ang sagot. Utang ang ginawang solusyon ng karamihang Filipino sa halos lahat ng aspeto ng buhay. Mula pagkasilang hanggang pagkamatay, utang ang gamit.

 

Panganganak – utang.

Pagpapabinyag – utang.

Pagpapa-aral ng anak – utang.

Puhunan sa negosyo – utang.

Pang-bakasyon – utang.

Pagpapakasal – utang

Pagpapagawa ng bahay – utang.

Pagkakasakit – utang.

Pagpapalibing – utang.

Mababang kaalaman sa paghawak ng pera

Nagpapakita lang ang nakaugaliang pangungutang na napakababa ng kaalaman ng mga Filipino sa tamang paghawak ng pera o financial literacy. Marami sa atin ay nakagisnang ang solusyon sa problema, dapat mangutang.

Sa aking palagay, kadalasang dagdag problema ito.

Ayon sa pag-aaral na ginawa ng Standard and Poors noong 2015, 20% lang ng mga Filipino ang financially literate. Naglabas din ang Indy100 News Website ng bagong research findings na ang Pilipinas ay pangatlong bansa sa buong mundo na pinaka-ignorante ang kaalaman.

Nakakatawang isipin, dahil sa parehong pag-aaral, lumabas din na pangatlo ang Pilipinas sa buong mundo na pinaka-confident sa kanilang kaalaman.

Delikado ito.

Noong 2016, nagkaroon kami ng pananaliksik sa mga guro sa Pilipinas at nasasalamin ng resulta nito ang mga research results ng Standard and Poors at Indy100 News Website.

Lumabas na 80% ng mga guro ay nagba-budget, pero halos lahat ay hindi sapat ang kanilang emergency savings at 68% ang baon sa utang. Anong klaseng pagba-budget kaya ang ginawa ni teacher?

Nakakalungkot isipin na ang mga nagtuturo sa mga kabataan, ang pag-asa ng bayan, ay kulang sa impok at baon sa utang.

Appropriate financial products

Narito ang mga dapat ginamit na financial products sa bawat gastusin o problemang ibinigay ko kanina.

Panganganak

Sa panganganak, ang swak na financial product dito ay savings at social welfare benefits sa gobyerno. Kung may maayos na pagpaplano sa pamilya, mapaghahandaan ang panganganak. Kung hindi naman inaasahan ang pagbubuntis, may siyam na buwang mag-ipon para dito.

Kapag miyembro sa SSS at GSIS, may makukuhang benebisyo sa kanila. Napatunayan ko na ito dahil ang kapatid kong nanganak sa Australia ay nakakuha bilang isang OFW.

Kinakailangan ding maging miyembro ng PhilHealth para may makuhang bawas sa hospital bills.

Pagpapabinyag

Sa totoo lang, madaling iwasan ang gastos na ito. Simpleng salo-salo lang, dapat ay ok na. Pero kung talagang ipipilit, pag-ipunan.

Pagpapa-aral ng anak

Mahilig ang mga Pinoy na magkumahog kapag malapit na ang isang bagay. Ang pagpa-plano ay isinasantabi.

Ang anak, kapag isinilang, alam nating pagtuntong niya ng 18 years old, papasok na siya sa kolehiyo. Pero kailan aatupagin ang pang-tuition? Bago mag first year college ang bata.

Para bang hindi alam ng mga magulang na daarating ang anak nila sa edad na yun at isang araw magugulat na lang sila na malaki na ang anak nila. Kung tutuusin, may 18 taong palugit ang mga magulang na mag-ipon para sa pag-aaral ng anak sa kolehiyo.

 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: