was successfully added to your cart.

Cart

Usapang Pera Season 2 Episode 11

“Nicole, narinig mo na ba ang PAGIBIG?”

“Ayan ang favorite kong usapan Sir Vince eh. Sige, start tayo dyan.”

“Naku, hindi yung Pag-ibig na yan ang ibig kong sabihin.”

“Ayoko na!”

“Oo. Yung PAGIBIG na ito ay tungkol doon sa savings and housing program ng ating gobyerno.”

“Ay, parang mas gusto ko ‘tong PAGIBIG na ‘to. Sige!”

“Okay. Sige.”

“Ang PAGIBIG ay ang national savings and affordable housing program ng gobyerno.”

“Ibinibigay ito sa mga Filipino citizens para tayo ay makapag-impok para sa ating retirement at para tayo rin ay magka-access ng loans at magkabahay.”

“Mmmm…”

“Kasi, alam mo ba Nicole na isa sa mga problema ng Pilipinas ay ang hindi pagkakaroon ng sapat na bahay.”

“Definitely!”

“Right. I think, kung hindi ako nagkakamali ‘no, there’s about two point four million (2.4Million) backlogs in terms of housing.”

“Sir Vince, meron akong mga nakilala… okay, nakabili na sila ng bahay, parang ang bigat para sa kanila…”

“Right.”

“Parang hindi na sila nakakagastos ng sa ibang bagay…”

“Right.”

“So, ako, nagkaroon din ako ng fear doon na okay, takot akong magcommit pa na magdown for a house na gusto ko dahil ano ng mangyayari sa akin after?”

“Ito ang tinatawag ko na Middle Class Trap. Marami kasi Nicole ang mga middle class ay nagiging alipin ng kanilang housing loan.”

“Uhm uhm…”

“Dahil ito sa masyadong malaki yung bahay na naipatayo at hindi kayang tustusan nung kanilang income yuung pagbabayad doon sa housing loan, okay?”

“Uhm uhm…”

“So, para sa akin, ang advice ko actually ay kapag tayo ay nagkaroon ng bahay, dapat hindi ito yuung pinakamalaki sa portfolio natin o sa asset natin. Dapat, yung malaki sa asset natin, ay earning asset.”

“Oh!”

“So, kung ang pinakamalaki mong asset ay ang bahay mo na tinitirhan mo at hindi naman kumikita, hindi naman ito masama ‘no…”

“Uhm hhmm…”

“Pero ang mangyayari nyan, magiging kang alipin ng housing loan.”

“So, Sir Vince, please sabihin mo na sa akin yung guidelines kung paano kumuha ng housing loan.”

“Okay. So, meron akong three-twenty-twenty-twenty housing loan rule. Ang unang-una, kailangan nating tingnan magkano ba yuung value ng bahay na dapat mong kunin or ipagawa.”

“Ang halaga ng bahay mo ay hindi dapat lalagpas sa tatlong (3) taong katumbas ng iyong income.”

“Kung mag-asawa kayo, let’s say si mister ay kumikita ng seventy-five thousand (75,000) at si misis ay twenty-five thousand (25,000), i-cocombine yun, one hundred thousand (100,000) times thirty-six (36) months, three point six million (3.6Million) yung maximum na bahay na makukuha… na mapapagawa dapat nila.”

“Dapat makaipon din ng twenty percent (20%) na downpayment para sa bahay kung balak mong kumuha ng housing loan. Pilitin ding bayaran ang housing loan sa loob ng dalawampung taon. Mas maikli, mas maganda.”

“And then, the last twenty (20), kapag ikaw ay nagbabayad na ng amortization ng loan para sa bahay kada buwan, hindi dapat ito lalagpas sa twenty percent (20%) ng iyong monthly income.”

“Uuhhmm… okay.”

“So, that is my three-twenty-twenty-twenty housing loan rule.”

“Tayong mga Filipino ay naghahangad ng masaya, masagana at mapayapang pamumuhay.”

“Kaya naman kailangan nating palawakin ang ating kaalaman sa pag-iipon, pag-iinvest at pangungutang. Ako si Nicole.”

“Ako naman si Sir Vince nagsasabing…”

“Ang pagyaman, napag-aaralan.”

 

Kailan puwede ma-withdraw ang Pag-IBIG contribution?

 

 

 

 

Modified Pag-IBIG Savings 2 Primer

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: