was successfully added to your cart.

Cart

Ang natatagong financial costs ng paninigarilyo na hindi alam ng nakararami

By August 15, 2017 Insurance

Dahil sa  nationwide smoking ban sa mga pampublikong, maraming mga naninigarilyo ang hindi natutuwa dahil dito. Naiintindihan ko sila dahil ako rin noong aking kabataan ay nanigarilyo.

Magsasampung taon na rin akong nag-quit sa pagyoyosi. Siyam na beses akong sumubok mag-quit bago ako naging successful. Ang naging epetibo para sa akin ay ang tinatawag na cold turkey o yung biglaang pagtigil.

Direct Costs

Ang nakikita lang ng karamihan ay ang direct cost ng paninigarilyo. Hindi kasi mahirap makita ang malaking gastos sa bisyong ito. Sa halagang PhP75 kada kahang nauubos kada araw, aabot ito sa PhP27,375 kada taon—katumbas ng tatlong buwang minimum wage.

Maaring magamit ang halagang ito na pandagdag sa emergency savings, pambayad sa utang, panggastos sa mga needs at wants, at pang-invest.

Insurance Policies

Lingid sa kaalaman ng marami, isa sa mga malalaking negatibong epekto ng paninigarilyo ay sa mga insurance. May nakita na akong tumataas nang doble hanggang triple ang premium dahil sa paninigarilyo.

Tumataas ang premium na binabayaran sa life and health insurance policies kapag naninigarilyo. Maging ang premium sa home insurance tumataas dahil mas mataas ang posibilidad ng pagkasunog ng bahay dahil sa paninigarilyo.

Car costs

Bumababa ang resale value ng isang sasakyan kung ang gumagamit nito nang madalas ay naninigarilyo sa loob. Labag sa batas ang nagyoyosi sa loob ng sasakyan habang nagda-drive at kapag nahuli may multa.

Loss of earnings

Ayon sa isang pagaaral sa UK, mas marami ng tatlong araw kada taon ang sick leave ng mga naninigarilyo. Mas maaga din silang tumitigil mag-trabaho pagtanda dahil sa pagkakasakit.

Dahil sa mga ito, nababawasan ang kita.

More expensive health care

Lapitin din ng sipon, ubo at trangkaso ang mga naninigarilyo at kailangang gumastos para sa gamot. Mas mahal din ang gagastusin sa prophylaxis ng ipin dahil sa mantsang dulot ng paninigarilyo.

Mas nahihirapang mag-buntis ang mag-asawang nagnanais magka-anak dahil sa paninigarilyo. Siyempre, hindi kaila sa lahat na may direct link ang paninigarilyo sa mga dreaded diseases katulad ng cancer, cornonary heart disease at heart attack.

Hindi lang ikaw ang negatibong apektado sa paninigarilyo. Dahil sa second hand smoke, apektado rin ang mga minamahal mo sa buhay.

Huwag sumuko

Sa totoo lang, marami sa mga nabanggit ko ay alam naman ng mga naninigarilyo. Mahirap lang talagang mag-quit dahil ito ay isang klase ng addiction na kailangang ng attention.

Sumubok ng iba’t ibang paraan ng pag-quit hanggang sa mahanap mo kung ano ang angkop at epektibo para sa iyo. Kapag napagtagumpayan mo, napakraming financial rewards – mababawasan ang gastos, tataas ang kita at gaganda ang kalusugan.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: