was successfully added to your cart.

Cart

Ang mas mabisang paraan upang ikaw ay makaipon kaysa pagtitipid

By July 7, 2017 Savings

Ang pagiipon ay function ng dalawang bagay – kita at gastos.

Lifestyle Equation

Ang equation na tatanggalin muna ang gastos sa income at ang matitira ay ipon ay malimit nagbubunga ng negative na sagot kaya hindi nakakaipon. Ang tawag ko sa equation na ito ay lifestyle equation dahil ang nauuna sa prayoridad ay ang gastos which is a translation of our chosen lifestlye.

Thrifty Equation

Kakaunti din ang nakakaipon sa pangalawang equation kung saan ang ipon ay mauunang tatanggalin sa kita at ang matitira ay siyang gagastusin. Ang tawag ko naman sa equation na ito ay thrifty equation dahil kinakailangang magtipid upang may matira sa kita para may maipon.

Sa totoo lang, kahit saan mo ilagay ang gastos sa dalawang equation, ang katotohanan ay mahirap pa rin makaipon. Kaya ang aking solusyon ay itaas ang kita.

Increase Income

Ang pinakamabisang paraan para magkaroon ng ipon ay pataasin ang kita.

Kapag napataas natin ang ating kita, maari mo pa ring gawin ang lifestyle equation dahil kung hihihgitan ng kita ang pinili mong lifestyle, may matitira pa rin para sa ipon. Kailangan lang disiplinahan ang sarili na mas mabagal ang pagangat ng lifestyle kaysa sa paglaki ng kita.

Sa thirfty equation naman, mas madaming matitira para sa gastusin kung itataas ang kita. Kaya kung paghahaluin at pagsasabayin ang thrifty equation at ang pagtaas ng kita, siguradong may maiipon.

Ang mahirap sa pagtititpid, hindi kasi ito pleasurable. Para sa akin isang parusa ang pagtitipid. Do’t get me wrong, hindi ko sinasabing huwag magtipid. Ang sinasabi ko ay kadalasan hindi epektibi ang pagiging matipid lang bilang nagiisang strategy para makaipon dahil hindi ito pleasurable.

Ikumpara ang pakiramdam kapag nadaragdagan ang kita kaysa sa pagtitipid. Mas maginhawa at mas masaya ang pakiramdam di ba?

Kaya dapat bigyan ng pansin at panahon ang paghahanap ng paraan para kumita.

vincerapisura.com


5 Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: