Ang kooperatiba ay isang autonomous at rehistradong asosasyon ng mga tao na may magkakaparehong interes o adhikain. Ang mga miyembro nito ay boluntaryong nagsama-sama upang makatan ang kanilang mga pangangailangan at hangad social, economic at cultural objectives.
Nagbibigay ang bawat usa ng required capital share; tumatangkilik ng produkto at serbisyo ng koopertiba; at tinatanggab ang risks at benefits ng mga proyekto nito ayon sa unibersally accepted cooperative principles.
Cooeprative Development Authority (CDA) ang ahensiya ng gobyernong nagre-regulate sa mga kooperatiba sa Pilipinas.
Objectives and goals
Ayon sa website ng CDA, ang primary objective ng kooperatiba ay para pataasin ang antas ng pamumuhay ng mga miyembro nito. Dahil dito, layunin ng kooperatibang gampanan ang mga sumusunod:
- Magbigay ng produkto o serbisyo para sa mga miyembro nito upang sila ay magkaroon ng pagkakataon na pataasin ang kanilang kita, savings, investment, productivity at purchasing power o ang kakayaang bumili. Pino-promote din dapat ng kooperatiba ang equitable distribution o karampatang pamamahagi ng net surplus nito sa pamamagitan ng maximum utilization of economies of scale, cost-sharing at risk-sharing.
- Magbigay ng optimum o pinakamagandang kalagayang social and economic benefits sa mga members.
- Magturo sa mga miyembro ng mga pamamaraan sa paggawa in a cooperative manner o pagkakaisa sa pagtutulungan.
- Palaganapin o paramihin ang gawa ng kooperatiba at mga bagong paraan at ideas sa business at managament.
- Pahintulutan ang mga mahihirap o ang mga lower income at less priveleged groups na magkaroon ng mas malaking pag-aari sa kayamanan ng bansa.
- Makipagtulungan sa gobyerno, iba pang kooperatiba at iba pang people-oriented organizations upang mas mapaigting ang pagkamit sa mga nasabing layunin.
Magandang sumali sa kooperatiba
Dahil sa definition at objectives ng kooperatiba, gustong-gusto kong sumali sa sa mga ito. Pero, kailangan po tayong mag-ingat at pumili ng kooperatibang maganda ang performance at pamamalakad.
Nauna ko nang naibahagi dati na ang mga investment ko sa kooperatiba ay consistent na mas mataas ang ibinbigay na kita sa akin kaysa sa Philippine Stock Exchange. Kaya alamin kung paano gamitin ang COOP-PESOS para malaman kung paano pumili ng magandang kooperatibang sasalihan.