Ang isa sa pinaka-secure na investment vehicle na dapat mong pasukin
Kanino mainam ang bond investment?
Ang bond ay para sa mga investors na gusto na tiyak ang pagpasok ng kita kumpara sa iba pang klase ng investment. Para din ito sa mga investors na naglalayong pangalagaan ang halaga ng kanilang kapital (capital preservation).
Ito rin ay isang magandang paraan ng pag-diversify ng investment.
Investment risks ng bond
Kung callable ang bond na kinuha at nag pre-terminate ang bond issuer, mawawalan na ng opportunity to earn. Maari ding ibaba ng kumpanya o korporasyon ang coupon rate.
Kapag mataas ang inflation kumpara sa coupon rate, bababa ang halaga ng investment. Halimbawa ang coupon rate ay 3% pero ang inflation rate ay pumalo ng 5%, talo ang bondholder ng 2% dahil hindi nito natapatan ang inflation rate.
Ang pinakamasaklap na nangyari ay kung ang kumpanya o ang gobyerno ay ma-bankrupt at hindi nila kakayaning bayaran ang bond. Nangyari ito sa bansang Greece noong 2010.
Mas malaki ang tsansa na mag-default ang mga korporasyon kaysa sa gobyerno. Ito ay dahil maaring mag-print ng pera ang gobyerno sa pamamagitan ng kaniyang central bank para may pambayad ito sa mga bondholders.
Ito ang dahilan kaya mas sikat ang mga government bonds kaysa corporate bonds.