Ang sagot sa tanong ay both. Bakit?
Ang asset ay mga bagay na nasa iyo o hawak mo samantala ang liability naman ay mga utang mo.
Ang bahay na hinuhulugan mo ay iyo na kaya ito ay maililista na sa iyong asset. Pero dahil hindi mo pa ito nababayaran nang buo, ito rin ay liability.
Gamitin natin ang halimbawang ang bahay na nabili mo ay nagkakahalaga ng PhP5 million at nakahulog ka na ng down payment na PhP500,000. May asset ka na house and lot worth PhP5 million at may liability ka na home loan worth PhP4.5 million.
Ang ibig sabihin lang nito ay ang bahay na meron ka ngayon, may bahagi nitong pagmamay-ari mo at may bahaging utang mo pa. Magiging iyo lang ito nanng buo kapag nabayaran mo na nang buo ang pagkakautang sa bahay.
Habang ikaw ay naghuhulog para pambayad sa iyong house and lot, lumiliit ang iyong liability o pagkakautang. Kung next month ay nagbayad ka ng PhP100,000 sa principal ng iyong home loan, mababawasan ang home loan liability mo at ito ay magiging PhP4.4 million na lang.