Ang active income ay income na kinkita kapag nagta-trabaho, kinakailangang magpawis at magbanat ng buto. Ang passive income naman ay income na kinikita kahit hindi nagta-trabaho.
Dapat ginagamit ang active income bilang pambili sa needs o mga pangangailangan. Ibig sabihin ng needs, ikamamatay mo ito kung hindi mo bibilhin tulad ng pagkain, pabahay, tubig, kuryente at iba pa.
Ang passive income naman ay siyang gamit pambili ng mga wants. Ang mga wants ay mga bagay na maari mong ipagpaliban at hindi ikinamamatay tulad ng magarbong bakasyon, madalas na pagkain sa labas at pagbili ng gadgets.
Status symbol ngayon ang pagkakaroon ng Iphone. Suriin natin kung afford ng isang tao ang Iphone.
May need portion at want portion ang Iphone. Ang need portion ay ang komunikasyon – text, calls, Internet at camera. Ang want portion nito, sa katunayan, ay ang brand nito.
May mabibiling mobile phone na kayang ibigay ang needs sa mas murang halaga – PhP10,000. Ang Iphone ay nagkakahalaga ng PhP40,000.
Sa aking sistema, P30,000 sa pambili ng Iphone ay dapat galing sa passive income. At ang balanseng PhP10,000 ay galing ng active income.
Kung hindi galing sa passive income ang P30,000 na pinambili sa Iphone, para sa akin hindi afford anng pagbili nito. Dapat ay magipon muna para magkaroon ng investment portfoio na magbibigay ng passive income.
Kung nakuha mo ang Iphone sa plan ng telecom company, mas masahol pa ito. Ito ay dahil sa katunayan, ang “plan” ay loan na unti-unti mong binabayaran alinsunod sa kontratang pinirmahan.
Mali na tustusan ang wants sa pamamagitan ng loan o utang.
Napaka halaga nito lalo n sa mga kabataan na nasisilaw sa mga Phone na halos every month nag a-upgrade 🤔🤔🤔👏👏👏thanks Vince But I just want to ask how about planning to buy a new house papaano po malalaman kung afford mo o may kakayahan kang Kumuha ng hulugan na bahay at mabayaran sa mahabang panahon tips po please many thanks 😊😊😊
Abangan niyo po ang article ko about a housing. Susunod na po. =)
For OFWs, here’s my tip especially for newcomers. It is cheaper to pay for the data/plan if you will bring your own phone (BYOP) to the network company. That way you don’t have to pay for the phone + data + extra charge. Try it compare the difference.
Buy an affordable phone like the old model or slightly used phone. Avoid buying the latest trend of phones. And before you do, ask yourself if you already have an emergency fund, insurance, investment etc.
Pahalagahan ang pinaghirapan. Gamitin sa tama ang suweldo at iwasan ang kayabangan. Buy what you need. Buy what you can afford.
Sa tingin mo po Sir Vince, tama ba itong situation ko? Nakuha ko ang iphone sa plan dahil online workers kami. Kinailangan namin na laging online kahit saan magpunta. Kinuha ko ang unlimited na data plan at nabigyan kami ng iphone kasama nito.