was successfully added to your cart.

Cart

8 videos na dapat mong panoorin tungkol sa utang para yumaman

By March 6, 2018 Loans

Ang utang ang mahal na presyong babayaran dahil sa tukso ng instant gratification at hindi pag-iipon. Mapanganib ang utang kung mali ang paggamit natin dito.

Bad debts: Sa episode na ito, pinag-usapan ni Sir Vince at Venus ang bad debts. Ipinaliwanag niya kung papaano makakaahon sa pagkakasadlak sa utang at mga iba’t-ibang warning signs na naaabuso na ang paggamit sa utang.

Good utang versus bad utang: Ipinapaliwanag kung ano ang utang sa episode na ito ng Usapang Pera. May tinatatawag na good debt o ang paggamit ng loan para sa bagay na kumikita at meron ding bad debt kung saan ginagamit ito sa mga bagay na hindi kumikita.

Nagbigay ako ng tips dito kung paano magagamit ang utang bilang good debt.

Okay ba magka-credit card?: Marami ang natutukso sa paggamit ng credit card. Sa video na ito, inilahad ko kung ano ang mga requirements para malaman kung handa ka nang gumamit ng credit card.

Paano magpautang nang tama: Dahil sa kabutihang loob nating mga Pinoy, pati na rin ang kagustuhan nating laging maganda ang tingin sa atin ng ating kapwa, napipilitan tayong tumulong kahit pa ang paraan nito ay sa pamamagitan ng utang.

Marami ang nagpapautang para tumulong pero, sa katunayan, hindi pa sila handa financially magpa-utang.

Mga tuntunin sa pagpapautang: Ito naman ay isang maikling video na nagpapakita ng mga kailangang ihanda bago magpautang.

Housing loan: Para sa karaniwang tao, ang loan sa pabahay ang kaniyang magiging pinakamalaking loan na babayaran buong buhay niya. Dahil ito ay malaki at kadalasan hindi kumikita, ipinapakita sa video na ito kung anu-ano ang dapat isaalang-alang sa pagkuha ng housing loan.

Malalaman sa video kung hanggang magkano lang dapat ang bahay na ipapatayo at kung gaano ito dapat katagal bayaran.

Car loan: Isa sa mga status symbol sa Pilipinas ang pagkakaroon ng kotse. In fact, ito ang unang pangarap ng mga young professionals na magkaroon bago ang bahay.

Hindi naman masama ang magkaroon ng sasakyan. Para sa akin nagiging masama ito kung ang mali pinanggalingang kita na ginamit pambili, kaya tuloy nangungutang. Watch my tips on how to get a car loan.

Paano tumulong na hindi mapapasubo sa utang: Kinakailangang ipinapaabot lamang natin ang tulong sa kakayahan nating tumulong. Iwasang isadlak at ipasubo ang sarili sa pagkakautang dahil lamang sa kagustuhan natingmangutang.

Sa video na ito, ikwinento ko kung papaanong ang pagtulong ay hindi naman kinakailangang sa pera parati naipapakita at lalung-lalo nang hindi dapat utang ang gamitin para makatulong.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: