was successfully added to your cart.

Cart

8 “must haves” financially by the time you reach 40 years old

Sabi nila, life begins at 40. Pero marami sa mga na ganitong edad, in reality, ay financially lost. Ito ang edad na napapaisip na ang bilis palang dumaan ng panahon at hindi namalayan.

Ganun din ang kalagayan sa pera, hindi namalayan kung saan napunta ang pinagpagurang kita sa nakalipas na halos 20 years. Kaya kung ikaw ay malapit na sa edad na ito, narito ang mga dapat mong paghandaan at mga benchmarks.

1. Passive income

Ang passive income ay ang income na kinikita kahit na hindi nagta-trabaho tulad ng rent, interest, dividend, capital gains, royalty at pension. Kung wala ka ng mga ito, pagisipan kung paano ka magkakaroon sa lalong madaling panahon dahil ito ang makakatulong sa iyong matiwasay at masaganang retirement.

Ang goal mo by age 40, dapat meron ka nang katumbas na 40% ng iyong monthly expenses na galing sa passive income. Halimbawa ang monthly expenses mo ay PhP50,000 per month, dapat may kita ka nang galing sa passive income na katumbas ng PhP20,000.

2. Positive cashflow from active income

Bilang middle-aged adult, dito nagsisilitaw ang ating mga responsibilidad lalung-lalo na sa pamilya – sa anak at sa mga magulang. Dahil dito marami ang kinakapos.

Pagtungtong ng 40, siguruhing mas malaki ang active income kaysa sa mga gastusin sa bahay kasama na ang mga extra responsibilities. Ang active income ay income na kinikita bunga ng pagta-trabaho – kinakailangang mag-pawis at magbanat ng buto –tulad ng suweldo, sales commission, sideline, over tie at iba pa.

Kung kulang ang active income para punan ang mga gastusin, humanap ng iba pang puwedeng mapagkakitaan. Isang strategy din ang pagbabawas ng gastos.

3. Net worth

Ang net worth ay ang sumusukat sa halaga mo, financially. Ang formula nito ay assets minus liabilities. Ang matitira ay ang iyong net worth.

Ito na dapat ang net worth pagtungtong ng 40 years old –three years worth of income. Kung kumikita ka ng PhP50,000 kada buwan, ang net worth mo dapat ay nasa PhP1.8 million na.

Kapag inilista lahat ng ari-arian (assets) at ibabawas dito ang iyong mga pagkakautang, ang matititra dapat ay hindi bababa sa PhP1.8 million.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: