was successfully added to your cart.

Cart

76% ng mga mayayaman ay nag-eexercise

Lagi nating naririnig na “health is wealth.” Kaya naintriga ako nang mabasa ko ang isang article na nagsasabing ang mga mayayaman ay madalas mag-exercise.

Ayon kay Thomas Corley, isang manunulat at pinag-aralan ang mga mayayaman sa America, parati o consistent mag-exercise ang mga mayayaman. Nage-aeroib exercise daw ng higit pa sa 30 minuto kada araw ang mga ito.

Pinapahalagahan daw ng mga mayayaman ang kanilang kalusugan, kaya sila ay nag-eexercise. Dagdag pa dito, maingat din sa pagpili ng pagkain ang mga mayayaman, natutulog ng hindi bababa sa pitong oras, umiiwas sa pag-inom ng maraming alak at panonood ng TV.

Mga benepisyo ng exercise sa pagyaman

Maraming pag-aaral na ang magpapatunay sa mga natuklasan ni Corley. Ang pag-eexercise ay isa sa mga mahalagang habits upang baguhin ang buhay –mabubunsod nito ang iyong memory, concetration at mental sharpness.

Sa pag-eexercise, nababawasan ang ating timbang. Kapag tama ang ating timbang ayon sa ating edad at taas, mababawasan ang ating health risk factors. Ang mababang risk factors ay nagdudulot mababang insurance premium at dahil malusog, maiiwasan din ang mahal na gastos sa pagpapagamot at pagbisita sa ospital.

Ang exercise ay nakakapagpababa ng cortisol o stress hormones at nakakapagbigay ng endorphins o happy hormones. Dahil dito, mas nagiging produktibo ang isang tao sa trabaho o kaya naman ay sa negosyo.

Maari ding gawing pagkakataon ang exercise na palawakin ang mga kakilala. Kapag nagpa-member sa gym o kaya naman ay sumali sa mga fun runs at iba pang outdoor activities, may mga maaaring makilala na magpapalawak sa ating network.

Maalalang ang network ay isa sa apat na ingredients na binanggit ko sa sikreto ng tagumpay –kasama ng kaalaman, kakilala at kapalaran.

Sa pamamagitan ng exercise, nasasanay tayo at nagkakaroon ng disipiplina. Nabibigyan din nito tayo ng kakayanang mag-focus. Ang disiplina at focus ay dalawang katangian mahalaga sa pagtatrabaho, pagnenegosyo at pag-iinvest.

Ugaliing mag-exercise

Tandaan na kailangan natin ng malusog na katawan upang ma-enjoy natin ang ating pinagtrabahuhan at pinaghirapang pera. Sabi nga, “aanhin pa ang damo, kung wala na ang kabayo.”

Kaya gamitin ang exercise para mapanatili ang mabuting kalusugan at magkaroon ng energy sa paghahanap ng pera. Pero ang mas mahalaga, magkaroon pa din ng energy upang i-enjoy ito.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: