was successfully added to your cart.

Cart

3 Klase ng hanapbuhay

 

May iba’t ibang paraan tayong pinili sa paghahanapbuhay sa sari-saring dahilan. Karamihan sa atin ay nakahanap ng trabaho dito sa Pilipinas at sumusuweldo. Ang iba naman ay nagtayo ng kanilang negosyo. Marami din ang nag-abroad para mag-hanapbuhay.

Trabaho o Employment

Ang isang empleyado sumasahod para magbigay ng serbisyo sa isang kumpanya o negosyo. Ang suweldo ay binibigay sa kaniya nang regular, kadalasan ay isa o dalawanng beses sa isang buwan.

Ang mga professionals tulad ng mga doctor, accountant, architect, nurses at iba pa ay maituturing din na kasama sa pagiging empleyado. Ang tawag sa kanila ay self-employed o empleyado sila ng kanilang mga sarili.

Kumita man o malugi ang ating pinagtatrabahuhan o employer, responsibilidad nilang bayaran tayo. Kung nagtuloy-tuloy ang pagkalugi ng employer, maari tayong mawalan ng trabaho.

Negosyo

Ang negosyo ay nagbibigay ng produkto o serbisyo sa mamimili upang tugunan ang kanilang mga gusto (wants) at pangangailangan (needs). Mayroon itong ginagamit na business model upang maihatid ang mga produkto at serbisyo sa mga mamimili.

Kapag tayo ay nagnenegosyo, maari tayong kumita o malugi.

Investment

Ang investment ay mga produktong pinaglalagakan o pinaglalagayan ng pera upang ito ay kumita. Maraming iba’t-ibang klase ng investment at may kaniya-kaniya itong risk level.

Gaya ng negosyo, kapag tayo ay nagi-invest maari tayong kumita o malugi.

Ang mga halimbawa ng investment ay ang pangangapital sa isang negosyo; real estate;  pagpapaupa at pagpapautang. Marami pang ibang sopistikadong investment products tulad ng bonds, unit investment trust funds, mutual funds at stocks.

Multiple Income Sources

Hindi naman kinakailangang iisa lang ang hanapbuhay natin para matupad ang ating mga pangarap at matustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng ating pamilya. Katunayan, ang sikreto ng mga mayayaman ay ang pagkakaroon ng maraming hanapbuhay o ang tinatawag nating multiple and diversified income sources.

Tandaan, hindi mahalaga kung gaano kalaki ang kinikita. Ang mahalaga ay may naitatabing ipon at nagagamit ang kita para sa investments.

vincerapisura.com


2 Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: