was successfully added to your cart.

Cart

Why I established a SEDPI Foundation, Inc. (SFI)

Itinatag ko ang SEDPI Foundation, Inc. (SFI) noong 2013. Isa ito sa mga organisasyong bumubuo ng SEDPI Group of Social Enterprises

Bilang foundation, ito ay non-stock and non-profit. Ibig sabihin hindi ito kumikita kaya ginagamit namin para sa aming advocacy.

Financial literacy advocacy

Ang isa sa mga main functions ng SFI ay ang financial literacy advocacy. Marami kasi sa mga activities namin para dito ay subsidized o kaya naman ay ibinibigay namin ng libre.

Ang kinikita ng bawat librong nabebenta namin ay ginagamit namin para maisagawa ang mga financial literacy trainings para sa mga domestoc workers abroad; at microenterprises at high school students from poor families sa Pilipinas.

Para sa kanila subsidized o kaya naman ay libre ang pagbibigay namin ng serbisyo. Pero dahil limited ang resources, limited din ang aming reach.

Ang pangarap ko ay mapalaganap lalung-lalo na sa mga marginalized sectors ang financial education.

Insurance proceeds

Sa aking mga life insurance policies, kalahati ng benefit ay mapupunta sa mga pamangkin ko at kalahati ay sa SFI. Wala kasi kaming anak ng partner ko.

Gagamitin ng SFI ang insurance claim para magbigay ng scholarship sa mga maralitang sektor.

Ang mga scholars ay may dalawang requirements. Una, mag-aral nang mabuti at pangalawa, ipagdasal ang aking kaluluwa. Ginawa ko ito dahil hindi ko alam kung sa langit o sa impiyerno ako mapupunta kapag ako ay mamayapa na.

Kidding aside, ang SFI ang main channel namin sa pagpapalaganap ng aming financial literacy advocacy. Kung interesado kayong mag-donate o mag-volunteer, email us at info@sedpi.com.

 

vincerapisura.com


One Comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: