Marami sa atin ang nagbabaon ng pagkain sa office lalung-lalo na kung tayo ay nagtitipid. Sa totoo lang, associated ang pagbabaon sa pagtitipid.
Nauna ko nang nabanggit datina hindi maganda sa pakiramdam ang pagtitipid. Para bang nangangahulugan kasi itong hirap ka sa buhay at can’t afford.
Totoo man o hinding may kahirapang dinaranas, narito ang mga dahilan kung bakit dapat ipagmalaki mong nagbabaon ka sa office.
Wais ka sa pera
Mataas ang tingin ko sa mga taong nagbabaon dahil gusto nilang makaipon para sa kanilang mga pangarap sa buhay. Kung kaya mong ipakita sa mga taong nagtitipid ka, matapang mong ipinapakita sa kanila ang iyong maayos na pagkatao.
Nangangahulugan lang na alam mao ang priorities mo and you will do everything you can to achieve it.
Nakakatulong sa environment
Kapag nagdala ka ng baon sa opisina, gumagamit ka ng baunan na reusable and that saves and protects the environment. Kapag kumain sa labas, lalung-lalo na sa mga fastfood, mataas ang posibilidad na single use disposable plastics ang nagamit mo. Bad for the environment yan.
Healthier
Kung lutong bahay ang baon, malaki ang tsansang mas healthy ang kinakain mo kumpara sa mga restaurants o carinderia. Mas mapipili mo ang pagkain na ihahanda para sa sarili at makakaiwas sa mga preservatives.
Mas productive
Pansin ko, ang mga nagbabaon sa office, hindi nauubos ang oras kaka-decide kung saan kakain. Ang oras na ginagamit pagpunta sa restaurant at pag-aantay ng pagkain kaya kadalasan ay nale-late sa trabaho o sa meetings.
Pag lunch break na, ang may baon, makakakain agad, makaka-power nap pa, kaya fresh ulit for the afternoon work or meetings.
Ipagmalaki ang pagbabaon
Sa mga nabanggit ko, walang dapat ikahiya sa pagbabaon. Dapat mo pa nga itong ipagmalaki at turuan o impluwensiyahan ang iyong mga katrabahong gawin din ito.