Ang venture capitalist ay karaniwang isang kumpanya na nagbibigay ng pondo sa mga start up businesses o kaya naman ay mga negosyong handa nang mag-scale up o mag-expand. Sila ay gumagawa ng kanilang due diligence study na napakasusing paraan ng pagkilatis kung ang isang negosyo ay dapat bigyan ng kapital at iba pang suporta para lumago ito.
Nagbibigay ng malaking kapital at management expertise
Malinaw na kapag sumali ang isang venture capital sa business mo, hindi lang kapital ang dala-dala nila kundi ang kanilang karanasan sa pamamalakad ng isang negosyo. They usually have a team na magtatrabaho kasama mo.
Help establish your credibility
Sa pamamagitan ng due diligence study na inihahanda ng isang venture capitalist, nakikita nila ang potential ng isang negosyo at nabubusisi nila ito bago sila pumasok. Kilala sila sa gawaing ito kaya kapag pumasa ka sa standards ng isang venture capital, nabibigyan ang negosyo mo ng kredibilidad dahil para kang pumasok sa butas ng karayom.
Malaking negosyo ang hanap
Dahil sa laki ng investment na inilalagay ng venture capitalist, karaniwan nilang hinahanap ang mga business ideas na madaling gawing malaking negosyo upang mabawi nila ang kanilang investment dito.
Maaaring mawala ang majority control
Dahil sa laki ng investment na ilalagay nila sa negosyo mo, natural lang na humingi din sila ng mas malaking bahagi nito. Kapag ito ang nangyari, hindi mo na kontrol sa loob at baka may tsansa pang ma-etsapwera ka eventually.
Pros:
- Nagbibigay ng malaking capital at management expertise
- Help establish your credibility
Cons:
- Malaking negosyo ang hanap
- Maaaring mawala ang control sa negosyo