Maraming nagtatanong sa akin kung ok daw ba mag-invest sa UITF. Maiging intindihin muna natin kung ano ang UITF para malaman kung angkop ba ito sa iyo o hindi.
Makabubuting basahin muna ang blog post ko tungkol sa pooled fund para mas maintindihan ang UITF.
Ang UITF o Unit Investment Trust Fund ay isang klase ng pooled fund kung saan nagi-invest ka kasama ng mga investors sa isang trust fund ng trust professional sa loob ng bangko na siyang humahawak o nagma-manage ng pag-invest sa stocks, bonds o money market.
Ang trust professional ang siyang binabayaran natin bilang investor upang i-manage ang ating investment. Sila ay bahagi, departamento o sangay ng bangko.
Bumubili ka ng units sa UITF na tinatawag na NAVPU (Net Asset Value Per Unit). Ang isang share ay nagri-represent ng halaga ng basket of investments na binili mo.
Halimbawa bumili ka ng 100 shares kahapon at ang halaga ng NAVPU ay PhP62. Ang halaga ng UITF mo kahapon ay PhP6,200. Kung ngayon ang halaga ng NAVPS ay PhP55, bumaba na sa PhP5,500 ang halaga ng 100 units mo. Ibig sabihin nalugi ka ngayon mula kahapon ng PhP700 or PhP7 per unit.
Araw-araw ay maaring magbago ang ang halaga ng NAVPU depende sa performance ng bawat klase ng investment na nakapaloob sa UITF na binili mo.
Karaniwang nagbabayad lamang ng management fee sa UITF ng bangko at hindi kinakailangang magbayad ng entry fee o load.
Ang management fee ay ibinabayad natin sa UITF ng bangko bilang kapalit sa kanilang serbisyo ng pagi-invest at pagiingat sa ating perang ipinagkatiwala nating ii-invest nila. Karaniwan ay binabayaran ito kada taon.
Open-ended investment ang UITF. Ang ibig sabihin, maaring bumili at magbeta ng units anumang oras. Mahalaga ito dahil nagbibigay ng liquidity option ang UITF kaya mabilis itong maging pera ulit.
Hindi insured sa Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) ang UITF dahil hindi ito deposito sa bangko. Ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang nagre-regulate sa UITF dahil bahagi ito ng operasyon ng bangko.
Madaling makabili ng units ng UITF dahil ito ay available sa mga bangko. Magtanong lang sa trust representative o bank manager ng bangko sa branches nila ukol dito.
Para sa listahan ng mga UITF ng mga bangko sa Pilipinas, bumisita sa page na ito.
Sir paano q mamomonitor f nag gain ung investment q sa Uitf
May website poba na need q idownload
Hello Mr Vince,
Ask ko lang po sana, paaano po ba kumikita sa UITF at Mutual Fund? Sa paraan po ba nag pagwithdraw pag mataas ang NAVPU at magdagdag pag mababa ang NAVPU? Salamat po.
Sir pd po mag ask anu po insurance nyo para po sana mas sigurado kami n mas ok..slamat po