May advantages at disadvantages ang paggamit ng rewards card. Kaya dapat, timbangin kung ang paggamit nito ay makabubuti o makakasama sa iyo.
Narito ang aking guidelines sa pagpili ng tamang rewards card na ayon sa pangangailangan mo.
Already loyal to the brand
Kung kukuha ng rewards card, kinakailangang you are already loyal to the brand or product/service to begin with. Hindi ito kinukuha na first time mo pa lang masusubukan ang produkto o serbisyo.
In this manner you actually reward yourself with your loyalty to the brand instead of rewarding the company.
Isang magandang paraan ng pagkilatis kung ikaw ay loyal sa brand ay kung nagamit mo ito sa nakaraang tatlong buwan at sa tingin mo ay bibilhin o tatangkilikin mo na naman ito sa susunod na tatlong buwan.
Kung hindi ang sagot mo, admit it, hindi ka loyal sa brand na ito. So hindi worth it ang pagkakaroon ng rewards card under this brand. Discard the rewards card.
Free membership
Piliin ang rewards card na may free membership at umiwas sa mga rewards card na kailangan mo pang magbayad para maging miyembro nito. Isang patunay na reward card o loyalty card ang kinukuha kung ito ay libre.
Nauna ko nang nasabi na marketing tool ng mga kumpaniya ang rewards card. Nagbibigay tayo ng napakahalagang impormasyon sa kanila.
Sa totoo lang, kapag market research ang ginawa dito, magbabayad pa ang kumpaniya para makalap ang kaparehong impormasyon. Dahil nagbibigay na tayo ng libreng impormasyon sa kumpaniya, dapat, libre na ang rewards card.
May agarang balik ng membership fee
Kapag ang rewards card naman ay may membership fee, kinakailangang agarang mabawi ito sa araw na binayaran mo ang membership fee. Kailangang masulit o mabawi agad ang fee sa unang purchase mo pa lang.
For example ang rewards card ng isang grocery store ay PhP150. Magbibigay ito ng 1 puntos sa bawat 200 gagastusin at anng kada puntos ang katumbas ay piso.
Ibig sabihin nito, kailangang mong mag-grocery ng halagang PhP30,000 sa araw din na yun para masulit ang card kung susundin ang aking pamantayan. Kung ganito ang sitwasyon, para sa akin hindi sulit ang rewards card.
You don’t spend more
Ang gamit ng rewards card dapat ay mabigyan ka ng pabuya sa kasalukuyan o nakagawian mo nang spending o purchasing habit. Hindi yung kinakailangan mo pang magdagdag ng bibilhin para makakuha ng rewards.
Remember that you should avoid, at all costs, spending on unplanner purchases because of your rewards card, kahit na pasok pa sa budget yan. Ibig sabihin lang kasi nito ay effective ang paggamit ng kumpaniya ng impormasyong galing sa iyo para bumili ka pa nang mas marami at lumaki ang kanilang kita.
Hindi ito makakatulong sa pag-build ng magandang spending habit.
Use carefully
Dapat talagang tingnan kung ano ang nararapat na rewards card para sa iyo. Kung susundin ang aking mga tips, siguradong hindi tataas ang ating paggastos at masusulit pa natin ang benefits ng pagkakaroon nito.