was successfully added to your cart.

Cart

Tama ba ang “invest what you can afford to lose” investing strategy?

Nanggagalaiti at nanggigigil ako kapag naririnig ko ang mga taong nagsasabi na, “only invest what you can afford to lose.” Tagalugin po natin, ang sabi po nila ay – mamuhunan o mag-invest lamang ng perang kaya mong mawala sa iyo.

Bawat sentimo mahalaga

Mali ang pagpapahalaga sa investing ng mga taong nagsasabi nito o naniniwala nito. Ang tamang mindset ay bigyan ng halaga ang bawat perang pinagpaguran dahil bunga ito ng ating dugo at pawis; ng ating lakas at oras.

Makakaya mo bang mawala ang perang pinagpaguran mo? Papayagan mo ba ito?

Protektahan ang perang pinaghirapan

Si Warren Buffett, isa sa mga pinakamayamang tao sa mundo at matagumpay na investor ay may dalawang prinsipiyo sa pera. “Rule number one,” ang sabi niya, “Do not lose money!”

Dugtong pa ni Warren Buffet, “Do not forget rule number one.” Sa madaling sabi, ang mindset dapat natin ay hindi natin pinapakawalan ang pera o hindi natin pinapayagang masayang ito. (Basahin: Paano malalaman kung ano ang tamang investment para sa iyo)

Kaya maraming naloloko sa mga investment scam dahil dito. Pakana ng mga scammer na sabihin sa iyong, huwag ilagay ang lahat ng pera mo sa kanila, yun lang kaya mong mawala sa iyo.

Kaunti lang naman daw ang mawawala sa iyo, sakaling hindi totoo ang investment. Again, binibigyang diin ko na bawat patak mahalaga. Walang may “afford” pakawalan ang perang pinaghirapan.

Ito din ang tactic na ginagamit ng mga taong nanghihiram ng pera sa iyo at alam nilang hindi sila magbabayad. Ang sabi nila sa iyo ay ipahiram mo lang ang perang hindi masisira ang relasyon ninyo kapag hindi nabayaran. (Basahin: Paano magpautang nang tama)

Kaya ayun, nawalan ng pera sa scam at hindi nakasingil sa pinautang. Bawat pagkakamaling dulot ng mindset na ito ay naging sagabal para marating mo ang iyong financial goal.

Gambler’s mindset

Sa totoo lang ang “invest what you can afford to lose” strategy ay mindset ng mga sugarol. Tintingnan nila ang investing bilang tsansa or chance lang na baka sila ay manalo; at ok lang matalo.

Maliit lang naman daw ang amount na involved. Uulitin ko ulit, bawat maliit na perang nawala sa iyo ay delay para maabot mo ang iyong financial dreams.

Ang isang tunay na investor ay nananaliksik o gumagawa ng research upang magkaroon ng informed decision sa pag-iinvest. Siya ay umiiwas sa spekulasyon at hindi sapat sa kaniya na gumawa ng desisyon batay sa mga sabi-sabi lang.

Magkano ba ang perang afford mong mawala?

You’d be crazy to say that you can afford to lose money. Right?

Kaya ang sagot po dito ay wala. You can’t afford to lose money.

Huwag pumayag na mawalan ng pera. Period.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: