was successfully added to your cart.

Cart

Usapang Pera Season 2 Episode 5

“Nicole, balita ko ikaw ay nagtatrabaho na ngayon.”

“Yes!”

“Oy! Very good naman yan!”

“Korporasyon na. Balik ng alindog!”

“Okay. Alam mo ba na ikaw ay mayroon ng SSS benefit dahil ikaw ay empleyado.”

“There are a lot of people don’t know that there are… na maraming benepisyong makukuha sa SSS. Ang SSS ba ay insurance? Ang SSS ba ay social protection? Ang SSS ba ay pwedeng magloan? Ang SSS ba ay pangretirement?”

“Uhm hhmm…”

“And the answer to all of those questions is YES.”

“Mmmm…”

“Pero in different magnitudes. Hindi ganon kalakihan yung iba. Yung iba, significant naman, medyo malaki.”

“Ang SSS ang nagbibigay ng universal and equitable social protection sa lahat ng mga Pilipino.”

“Marami kasi na minamaliit yuung retirement na maaaring ibigay ng SSS ‘no…”

“Uhm hhmm…”

“At admittedly, may katotohanan naman yun pero kung susumahin natin yuung binibigay nating contribution at yuung balik na makukuha natin kapag tayo umabot sa ating retirement, hindi naman ito masama.”

“Uhm hhmm…”

“At ang calculation na ginawa ko, nagrarange from nine percent (9%) to twenty-seven percent (27%) per annum ang return on investment. Mababa pa ba yun Nicole?”

“Malaki na yun!”

“Malaki na yun di ba so especially kapag twenty-seven percent… magiging twenty-seven percent siya especially kung empleyado ka dahil karamihan naman ng nagbayad doon sa contribution mo ay yung employer at thirty-three percent (33%) lang na bahagi yung galing sa empleyado mismo.”

“Sa mga empleyado, malaki ang counterpart ng mga employers sa kanilang SSS contribution kaya dapat samantalahin ang contribution match na ito kasi maaari itong ituring na free savings para sa retirement.”

“So, para sa mga OFWs ‘no, papano naman nakakatulong yung SSS? Meron kasi tayong mga OFWs na nasa mga bansa sila na walang retirement plan available for them.”

“Uhm uhm…”

“They can actually go online sa sss.gov.ph at magfill out sila ng application form doon pero ang catch, kailangan pa rin na sila mismo ay magpunta sa opisina ng SSS para ipakita yung kanilang application at saka government ID.”

“Kung may office ng SSS dun sa bansang tinatrabahuhan nila.”

“Yes! Oo! So, kung wala, ang option talaga, pag nagbakasyon sila sa Pilipinas, dapat nila itong asikasuhin sa pinakamalapit na SSS branch kung saan sila nakatira dito sa Pilipinas.”

“Mmmm…”

“Ang alam ko, may mga remittance agencies na sa ibang bansa na pwedeng direkta na magbayad ka sa SSS pero sa marami, ang naririnig ko pa rin ay ibinibigay ang remittance sa kamag-anak sa Pilipinas tapos yung kamag-anak sa Pilipinas, yun ang nagbabayad ng SSS nila.”

“Mmmm. Sir Vince, sinabi mo kanina na syempre hindi rin tayo pwedeng mag-expect ng ganon kalaki from SSS pagka dumating na yung araw na magreretire na tayo…”

“Right.”

“So, saan pa tayo pwedeng umasa?”

“Para sa ating retirement, hindi sapat na SSS lang ang ating aasahan. Dapat gumawa pa tayo iba’t-ibang passive income para sa paghahanda ng ating matiwasay na retirement.”

“Kailangan nating mag-aral ng iba’t-iba pang paraan para magkaroon ng income ‘no and particularly, passive income.”

“Ano naman ang passive income?”

“Oo. Eto yung income na darating sayo, hindi mo na kailangan magtrabaho katulad ng rental income, dividend income, interest income, capital gains, royalties and pension.”

“So, ang dami palang paraan!”

“Yes! Ang problema, hindi natin inaaral kung papaano.”

“Tayong mga Filipino ay naghahangad ng masaya, masagana at mapayapang pamumuhay.”

“Kaya naman kailangan nating palawakin ang ating kaalaman sa pag-iipon, pag-iinvest at pangungutang. Ako si Nicole.”

“Ako naman si Sir Vince nagsasabing…”

“Ang pagyaman, napag-aaralan.”

 

 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: