was successfully added to your cart.

Cart

Sino ang maaring maging miyembro ng kooperatiba?

May dalawang klase ang pagiging miyembro ng koopertiba – regular member at associate member.

Regular member 

Ang isang regular member ay isang miyembro na sumunod at pumasa sa lahat ng membership requirements. May karapatan ang regular member sa mga rights and privileges of membership na nakalagay sa Cooperative Code of the Philippines at sa cooperative by laws.

May karapatang bumoto (right to vote) at maboto (voted upon) ang isang regular member.

Associate member 

In contrast, ang associate member naman ay walang karapatang bumoto (right to vote) at maboto (voted upon). May karapatan lamang sila sa mga rights and privileges na nakalagay sa cooperative by laws.

How I became a cooperative member 

Ako ay miyembro ng walong kooperatiba sa Pilipinas. Um-attend ako ng Pre-Membership Education Seminar (PMES) bilang requirement ng mga kooperatiba. Tumatagal ito ng 30 minutes hanggang 2 oras.

Sa PMES, ibinabahagi ang kahulugan ng kooperatiba pati na rin ang mga layunin at prinsipiyo nito. Ipinapakita din ng kooperatiba ang kanilang financial performance at ipinapaliwanag ang kanilang mga products and services.

Bukod sa mga standard application forms, nag-a-average ng PhP5,000 ang kabuuang inilabas kong pera para maging miyembro. Ito ay para pambayad sa initial share capital, pagbubukas ng savings account at pambayad sa membership fee.

Nauna ko nang naibahagi dati na ang mga investment ko sa kooperatiba ay consistent na mas mataas ang ibinbigay na kita sa akin kaysa sa Philippine Stock Exchange. Kaya alamin kung paano gamitin ang COOP-PESOS para malaman kung paano pumili ng magandang kooperatibang sasalihan.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: