Minsang naimbitahan akong speaker o magbigay ng talumpati sa isang conference sa Hanoi, Vietnam, tinanong sa akin kung ano ang sikreto sa tagumpay. Isang Vietnamese na kapwa ko guro ang nagtanong sa akin. Naging palaisipan sa kaniya kung bakit sagana ako sa pera gayong pareho kaming guro.
Para sa akin, may iba’t iba tayong pagbibigay kahulugan sa tagumpay dahil may kaniya-kaniya tayong kaligayahan. Ang nagpapaligaya sa akin ay maaring hindi magpapaligaya sa iyo.
Sa mata ng pangkaraniwang tao marahil ay matagumpay ako, ngunit sa mata ng mga tycoons, ako’y gasino lamang. Ganunpaman, ang ating sarili mismo ang magbibigay kahulugan sa sarili nating tagumpay.
Kaalaman, kakayahan, kakilala at kapalaran – ito ang mga ingredients o salik sa tagumpay.
Kaalaman
Ang kaalaman ay mga impormasyong nalalaman ng isang tao sa pamamagitan ng pagaaral, pananaliksik at karanasan. Ito rin ay ang theoretical at practical na pagkakaintindi sa mga bagay.
Napapababa ang risk o panganib sa hanapbuhay – negosyo, trabaho o investments – kapag mayama ang ating kaalaman. Kaya dapat bago pumaso sa anuman, kinakailangang pagaralan muna itong mabuti.
Sa investments, maraming mahilig sumubok muna sa isang produkto at doon nila ito pagaaralan. Hindi ito tamang paraan ng pagpasok sa investments kasi dapat nauuna ang pagaaral at pananaliksik bago mag-invest upang mapababa ang risk.
Research muna bago mag-invest.
Kakayahan
Kakayahan ang tawag sa abilidad na magawa nang mahusay ang isang bagay. Nagiging dalubhasa ang isang tao kung mataas ang kaniyang kaalaman at kakayahan sa larangan.
Kapag hinahasa natin ang ating kakayahan, mas nakikilala tayo at mas binibigyan ng mataas na halaga ang ating gawa. Hindi naman kinakailangang maging dalubhasa sa maraming bagay dahil lubha itong mahirap.
Kakilala
Aminin man natin o hindi, ang kalakaran ng trabaho, pagne-negosyo, at pagi-invest ay kadalasang nakasalalay sa ating mga kakilala. Kapag tayo ay naga-apply sa trabaho, hinihingan tayo ng character references or rekomendasyon mula sa ating mga boss o naging ka-trabaho.
Sa negosyo at investment naman, nanantili sa mga maliliit na grupo ng tao ang mga opportunities. Kinakailangang may kakilala ka upang makapasok sa grupo.
Lagi kong sinusunod ang payo ng tatay ko na maging mabuti sa aking mga kaibigan dahil sila ang mga makakatulong sa akin sa hinaharap. Lagi din niyang pinapaalalang makisama upang maging kaaya-aya sa paningin ng iba at makaiwas sa gulo.
Kapalaran
“Hindi ako dinadatnan ng suwerte.”
Iyan ang madalas kong marinig. Sa totoo lang, araw-araw dumadating ang suwerte. Wala lang tayong kaalaman, kakayahan at kakilala upang masunggaban ang suwerte.
Ang pagyaman ay pinaghahandaan kaya dapat ito ay pag-aralan.
im very interesting thank you so much sir vence. but any way gusto ko itong book po ninyo. thank very much and god bless you