was successfully added to your cart.

Cart

SEDPI Social Enterprise Ventures 2017 Annual Report

By January 3, 2018 Uncategorized

Melbourne, Australia – Ang SEDPI Social Enterprise Ventures (SEDPI SEVI)ay grupo ng mga social enterprises na naglalayong makapagbigay ng empowerment sa mga mahihirap. Binubuo ito ng limang korporasyon na may kani-kaniyang produkto at serbisyo para sa mahihirap.

History and background

Itinatag nina Vince Rapisura at Edwin Salonga ang unang social enterprise ng SEDPI SEVI noong July 30, 2004 – ang Social Enterprise Development Partnerships, Inc. (SEDPI) Ito ay isang training research and consulting firm sa laragan ng microfinance at social entrepreneurship.

Kasabay ng pagbibigay ng training, research and consulting services, nagsimulang magbigay ang SEDPI ng pautang sa mga kooperatibe, rural banks at microfinance NGOs. Noong March 10, 2008, nang lumaki ang programang ito, ini-register ang pangalwang kumpaniya, ang SEDPI Development Finance, Inc. (SDFI).

Ang SEDPI Social Enterprise Ventures, Inc. (SEDPI SEVI) ang magiging holding company ng SEDPI. Naitatag ito noong March 30, 2012. Bilang holding company, ito ang magmamay-ari ng lahat ng mga social enterprises ng SEDPI at magbibigay ng oversight sa mga ito.

Noong January 2, 2013 naman itinatag ang SEDPI Foundation, Inc. (SFI). Ang SFI ay nagbibigay ng financial literacy trainings at isa din itong publisher. Bahagi ng kita ng mga for profit corporations ng SEDPI SEV ay idino-donate sa SFI para magamit sa mga development intiatives na hindi market-based tulad ng relief operations, book donations at scholarships.

Ang SEDPI Pte. Ltd. ay ang unang korporasyon ng SEDPI SEV na naitatag sa labas ng bansa noong February 1, 2016. Ito ay naka-register sa Singapore at nagsisilbing tagapagtaguyod ng Ateneo Leadership and Social Entrepreneurship program doon.

Social Enterprise Development Partnerships, Inc. (SEDPI)

Nagkaroon ng mga proyekto ang SEDPI sa pagbibigay ng training sa larangan ng microfinance noong 2017. Umabot sa 87 microfinance institutions tulad ng mga kooperatiba, rural bank, lending company at microfinance NGOs.

OrganizationProject Title
ARDCI Microfinance NGO, Inc.Strategic Planning
Department of Agrarian Reform – BarangasMicrofinance for start-up MFIs
Industrial Guarantee and Loan FudCapacity building of microfinance institutions in the Philippines
LT and G Credit Line CorporationMicrofinance for start-up MFIs
Mindanao Microfinance CouncilMicrofinance training hub
Pantukan Chess Club CooperativeInclusive finance trainings
RAFI Microfinace, Inc.Capacity building program for institutional growth

May 26 trainings na ginanap ang SEDPI sa taong 2017 at 16 nito ay in partnership with RAFI Microfinance bilang pagtupad sa kanilang middle management program. May 459 na mga microfinacne staff naman ang dumalo sa lahat ng mga trainings.

SEDPI Foundation, Inc. (SFI)

 

OrganizationProject Title
Philippine Transmarine Carriers – Carlos Salinas Jr. FoundationFinancial literacy for the youth
Father Al’s Children Foundation, Inc.Book donation
Ateneo School of GovernmenetAteneo Leadership and Social Entrepeneurshurship

May 2,837 na financial literacy participants ang dumalo sa 33 trainings na ginanap sa 17 na cities worldwide noong 2017. Mahigit sa kalahit ng mga dumalo o 55% nito ay mga high school students mula sa Sisters of Mary Schools sa Cavite at Alternative Learning System sa Muntinlupa City.

Ito ay bilang pagtupad ng SEDPI na magbigay ng financial literacy trainings sa mga maralita. Nabigyan din ang 1,558 bawat isang dumalo sa mga training na ito ang nabigyan ng libreng libro – ang (L)Earning Wealth. Ito ay bahagi ng one-for-one strategy ng libro kung saan ang bawat libdong nabenta sa full price, isang libro ang ibibigay ng SEDPI sa ngalan ng mga bunili sa mga maralita.

Umabot naman sa 1,279 na mga OFWs ang na-train ng SEDPI sa financial literacy sa 14 na siyudad sa buong mundo kasama ang Abu Dhabi, Amsteradam, Barcelona, Brussels, Doha, Dubai, the Hague, Hong Kong, Macau, Milan, Paris, Rome, Rotterdam, Singapore at Tokyo. Ito ay bahagi ng World Book Tour and Investment Forum at Ateneo Leadership and Social Entrepeneurship program.

SEDPI Development Finance, Inc.

Umabot sa ~4,000 microfinance clients ang nabigyan ng financial services ng SDFI sa probinsiya ng Agusan del Sur at Surigao del Sur. Ang portfolio ay umabot sa PhP24 na million.

Ang SDFI ay nagbibigay ng loans sa mga microenterprises sa kanayunan kasabay ng pagbibigay ng insurance at savings services sa kanila. Ito ay isang uri ng bangking for the poor kung saan ang mga taong hindi nakakakuha ng tama at makataong financial services ay ibinabahagi sa kanila sa abot-kayang halaga.

Nasa PhP200 milyon naman ang exposure ng SDFI sa 14 na microfinance institutions sa Pilipinas. Tinatayang umaabot sa kalahating milyong maralitang pamilya kapag pinagsama-sama ang natutulungan ng mga organisasyong ito.

(Written on December 22, 2017)

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: